"Ahhh!!!!!! Late na ako! Walanghiya talaga tong alarm clock ko, oh! Hindi man lang nagpursige na gisingin ako. Ang tamad-tamad!" Sabay tapon ko sa alarm clock na hawak ko.
Dahil sa lintik na alarm clock na iyon, hindi tuloy ako makapag-ayos ng mabuti, bahala na nga. Kaysa naman malate ako, di ba? P.E. class pa naman ang first subject namin ngayon. Ang ganda talaga ng timing ng subject naming iyan, sa umaga pa talaga. Umagang-umaga, pagpapawisan kami nito at bantot na kami buong araw. Ayaw ko mang pumasok pero kailangan baka kasi hindi ako makagraduate nito. Tabingi pa naman ang grades ko! Hindi naman ako bobo, tamad lang. Tamad gumising ng maaga. Tamad pumasok. Tamad mag-assignment. In short, tamad mag-aral.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at ipinasok lahat sa pink kong bag. Dali-dali akong nagsuklay at naglagay ng kaunting make-up, syempre ayaw kong magmukhang basahan, ang arte ko lang talaga.
Pagbaba ko, nakita ko ang mommy ko na naghahanda ng agahan. Kahit mayaman kami at may mga katulong, ang mommy ko pa rin ang naghahanda ng makakain ko.
"Mihr, halika na, kain na." Sabi ng mommy ko habang nakangiti sa akin.
"Pass muna ako ngayon my, I'm already too late." Nagmamadali na kasi ako. Wala na akong oras para kumain. Ito ang isa sa mga consequence kapag tamad gumising ng maaga.
Pagkalabas ko ng gate, nakita ko ang family driver namin na nakasandal sa kotse. Parang model lang ng kotse? Yuck, nakakadire isipin. Ang tanda na ni manong, eh.
"Ma'am alis na po tayo?" tanong ng driver.
"Sige po." At tumakbo na ako papunta sa kotse. Nagmamadali akong sumakay at isinara agad ang pinto.
Nang umandar na ang kotse, saka ko narinig ang boses ng mommy ko.
"Kay Mihr ito ah, naiwan niya ata."
Naiwan? Ano kaya ang naiwan ko?
Pagkapa ko sa dibdib ko saka ko narealize na naiwan ko pala ang kwentas ko. Hahay. Kapag sinuswerte ka naman, oh! Saka mo makakalimutan ang dapat mong dalhin.
Kahit nakaheels ako- three inches lang- tumakbo pa rin ako papasok sa bahay. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang nanay ko na nahawak ang kuwentas.
"Ay! Salamat talaga my. Buti sinabi mo na naiwan ko." Kinuha ko na ang kuwentas ko at yumakap sa mommy ko.
"Ha? Hindi ko naman sinabi sa iyo, ah. Ihahabol ko palang sana sayo."
"Pero, narinig ko boses mo."
Matalinghagang ngiti lang ang ibinigay ng mommy ko sa akin. Ang weird lang.
"Sige na, late ka na talaga."
O_O
"Ahhhh!!!!!!!!"
Lumabas agad ako ng bahay sabay kaway sa mommy ko. Mamaya ko na lang siya tatanungin.
~~~~~~~~~~~~~~~~
~Sa Paaralan~
TAKBO lang ako ng takbo hanggang nakikita ko na ang classroom namin.
Kaunting tiis na lang talaga aking mga magagandang paa. Kaunting tiis na lang at makakarating na tayo.
Ilang takbo pa at sawakas, nakarating na ako sa classroom at hingal na hingal pa rin ako, kaya hindi ko yata napansin na wala ng mga tao.
...sandali...
...wala...
...ng...
...mga...
...tao...
![](https://img.wattpad.com/cover/3584987-288-k847364.jpg)
BINABASA MO ANG
TIED BY FATE ( Magical Night University)
FantasyMagical Night University is a school for UNIQUE individuals and for SUPERNATURAL beings pero pinaganda lang ata nila MONSTERS pa rin naman ang tingin sa amin ng iba. ~~~~~~~~ Mihr: What can I do if the person I love is the person I can not trust? Is...