" Are you guys ready?"
Even if I'm going to say no, tutuloy pa rin kami. Kaya tumango na lang ako sa kambal ni mokong.
Pagkatapos kasi naming kumain doon sa napakagandang cafeteria pumanta kami rito agad. Dumating kasi si mokong habang kamakain pa kami at pinagmamadali kami sa pagkain namin kaya iyon mas binagalan naming dalawa.
Kumatok muna siya at binuksan ang pinto. Napahawak agad si Namae sa kamay ko nang tuluyan na kaming pumasok.
Agad tumambad sa amin ang isang lalaki na nakaupo sa likod ng isang malaking desk. He doesn't look old to be a headmaster. I was expecting na kamukha niya si Dumbledore na may puti at mahabang bigote. Siguro nasa late twenties o early thirties pa siguro ito.
Nang makalapit na kami agad siyang tumayo at ngumiti.
"Goodmorning sir." Bati ni mokong sa kanya at tumango naman ang kambal nito.
"Goodmorning too, Mr. Plenilunios." Sabay tango niya sa mga kambal pagkatapos lumingon siya sa amin.
"And to you lovely ladies. So what brings you here?"
"Sila yung sinasabi ko sa iyo Ben." Sagot sa kambal ni mokong. Kung maka-Ben lang parang napakaclose nila. Akala ko ba headmaster nila ito at hindi kaibigan.
"Ah, I see. I'm the headmaster by the way but you can call me Ben. Huwag niyong gayahin si Icen na kahit anong sabi ko, sir pa rin ang tawag sa akin. Feeling ko tuloy ang tanda-tanda ko na." Ah kaya pala. Pagkatapos niyang sabihin iyon iniabot niya ang kamay niya sa amin para makipaghandshake.
"I am Namae Gonzalez."
" Mihr Hayle." Simpleng sabi ko tapos nakipaghandshake na rin ako.
"Maupo muna kayo para mapag-usapan natin kung bakit kayo nandito."
Hinintay muna niya kaming lahat na makaupo bago siya nagsalita ulit.
" Nabanggit sa akin ng kambal kung anong nangyari at base sa salaysay nila, masasabi kong hindi kayo pangkaraniwang tao, tama?" Mahinahon niyang paliwanag.
" Hindi. Mali sila. Mga simpleng tao lang talaga kami na nalagay sa sitwasyon na iyon. Gabi na kasi at madilim ang lugar baka akala nila kami ang may kagagawan ng mga bagay na hindi ordinaryo. Namamalikmata lang siguro sila." Matapang kong sagot or more like tapang-tapangan kong sagot habang si Namae ay tahimik lang.
"We're werewolves, we have a heightened sense of sight. Hindi puwedeng magkakamali kami sa mga nakikita namin."Sabi ni mokong pagkatapos tinignan kami ng masama.
"Nobody is perfect. Lahat tayo nagkakamali. Baka ayaw mo lang aminin na nagkamali ka kaya hindi mo sinabi ang totoo ." Ha! Take that!
"Are you saying that we are lying?" Kung makaglare ang isang ito para akong papatayin.
"It came from your own mouth, not mine." Then I smiled at him. Magsasalita pa sana siya ng sumingit sa usapan namin ang headmaster.
" Sige, sabihin natin na simpleng tao nga lang kayo. Paano niyo mapapaliwanag na hindi man lang kayo nagfreak-out sa mga nakita niya. Parang sanay nga kayo sa supernatural na bagay."
May point siya. - Namae
" Well, maybe we got used to it. May kaibigan kasi kami na psychic and she told us almost everything about the "not normal" things gaya ng mga vampires, werewolves and witches. Sabi pa nga niya na ang amoy daw ng ordinaryong tao at hindi ay magkaiba. May iba't ibang amoy ang hindi tao."Palusot ko.
Kung alam lang nila. Hahaha. Galing mo talagang mag sinungaling. - Namae
"Tama ka nga at sa amoy niyo masasabi kung ordinaryong tao lang kayo. Pero hindi lang iyon ang basihan namin. May iba kasi na kayang i-mask ang scents nila. We need to get blood samples from you." Namutla tuloy ako sa sinabi niyang iyon. Ang kaya lang i-mask ng mga necklaces namin ay ang mga amoy namin hindi dugo.
Patay na. Wala talaga tayong lusot nito. - Namae
Alam ko. Plan B na lang tayo.
" Okay fine. Aaminin ko na. Mga psychics kami ni Namae. She can read minds, and make things move through her mind. Habang ang kaya ko lang ay ang basahin ng isipan ng ordinaryong tao. There, inamin ko na. Happy? Basta please lang huwag mo kaming kuhanan ng dugo, takot ako sa dugo at sa needles." Pagsisinungaling ko na naman. Mas okay ng sabihin ko sa kanila na psychics kami kaysa kuhanan kami ng dugo, baka kung ano pa ang malaman nila tungkol sa amin. Hindi ko alam kung ano iyon basta I feel that I needed to keep it hidden.
Sa sinabi kong iyon ngumiti siya at si mokong naman nagsmirk na parang nanalo na siya.
"I'm glad na umamin na nga kayo. Huwag kayong mag-alala hindi ka namin kukuhanan ng dugo. Magsisimula na kayo sa pag-aaral bukas. Ito ang mga schedules niyo at ang dorm room niyo. Ihahatid kayo ng kambal na ito sa room niyo at nandoon na lahat ng mga kailangan niyo. Enjoy staying here."
You wish.
Tumayo na siya at ang kambal kaya tumayo na rin kami ni Namae, nakikipaghandshake pa siya sa amin bago kami lumabas sa office niya.
What now? - Namae
Eh, di mag-aral tayo rito for the mean time. Habang nag-aaral tayo rito, hahanap rin tayo ng paraan para makalabas.
Ang bilis talaga ng mga pangyayari. Parang kailan lang first day of class pa namin, nagbirthday ako, then na meet ko si mokong, pagkatapos naging si Cinderella ako sa school play namin, then gusto kong paghigantian si mokong at ngayon nandito na kami sa ibang mundo para mag-aral. Grabe parang roller coaster ride lang.
"Aray!" Hindi ko namalayan na na huminto na pala si mokong kaya ito bumanga ako sa likod niya.
Humarap siya sa amin at binigay ang isang magandang susi na kulay gold.
"This will be your room." Pagkatapos umalis na agad.
Tumingin muna ako sa kulay brown na pintuan saka binuksan. Pagkapasok namin bumangad agad sa amin ang maliit na living room. Maliit kasi mayroon lang siyang isang loveseat at coffee table. Sa right side ng room ay may maliit rin na kitchen at sa left side naman nito ay may kulay brown rin na pintuan. Pumasok kami sa pintuan na iyan at nakita namin ang five na single beds which is separated by one bedside table in between each bed. Compare sa silid ng kambal mas maliit nga ito pero kahit ganun elegant pa rin naman. Lumapit ako sa isang kama na pinakamalapit sa malaking glass window na tanaw ang napakaganda at napakalaking garden. Uupo na sana ako sa kama ng mapansin ko na may uniform napala na nakalagay at isang sulat. Ganun rin sa kama na katabi nito. Napansin ko na magkatulad ang uniform na ito sa uniform na sinuot ng babaeng tumulong sa amin papunta sa cafeteria. Ang kaibahan lang ang sa amin kulay brown. Four brown na pleated skirt three inches above the knee. Four white sleeveless na polo-blouse at may four long sleeves rin na polo-blouse. May four white knee high sock at four brown blazers/business coat na may logo at MN letters sa left side nito. May isang brown necktie rin na may nakalagay na E-5. May brown rin na cute na trench coat na may nakalagay ring logo.
"Uniform ba natin ito?" Tanong ni Namae habang hawak-hawak ang isang brown pleated skirt.
"Malamang. Kung sino man ang naka ideya na kulay brown ito, ang sarap sapakin. Hindi ko talaga ma iimagine na suot ko ito. Magmukha akong chocolate bar nito."
"Fun size na chocolate bar kamo."
"Shut up." Kung makapanglait ang isang ito wagas.
"Oh, may letter pala ring nakalagay."
"Basahin mo nga kung anong nakasulat."
"Dear Ms. Gonzalez,
In behalf of the entire university, I would like to welcome you all to Magical Night University, a school for supernatural beings and gifted people. The university will be your home for couple years so. "
"Huwag munang ituloy. May ideya na ako kung anong na sa loob niyan. Kung akala nilang mafefeel at home tayo rito, nagkakamali sila. At saka hindi rin naman tayo magtatagal rito. " Putol ko sa pagbabasa ni Namae.
"Handa ka na ba bukas?"
"Hindi ko alam. Pero wala naman akong magagawa. Dapat ihanda natin ang ating sarili." Sa totoo lang natatakot rin ako sa kung ano ang mangyayari bukas. Hindi ko alam kung anong mga klaseng tao ang makakaharap namin. Wala rin akong alam paano sila haharapin. Hindi naman ito ordinaryong paaralan, hindi rin ordinaryo ang mga tao rito at hindi ko pa nararanasan ang pumasok ng ganitong paaralan at ang makihalubilo sa mga hindi ordinaryong tao na hindi ko rin kilala.

BINABASA MO ANG
TIED BY FATE ( Magical Night University)
FantasiMagical Night University is a school for UNIQUE individuals and for SUPERNATURAL beings pero pinaganda lang ata nila MONSTERS pa rin naman ang tingin sa amin ng iba. ~~~~~~~~ Mihr: What can I do if the person I love is the person I can not trust? Is...