"Oi! Ang aga mo yata ngayon Mihr"
Hindi ko man lang pinansin ang nagsalita. Hindi lang kasi siya ang unang nagkomento tungkol doon. Sa pagpasok ko palang, marami na ang nagtaka, nagkomento at nagtanong na mga nakakikilala sa akin. Ang iba pa nga ay tinignan ako na para bang nakakita ng multo, gulat na gulat kasi sila. Pero hindi ko naman sila masisisi dahil ito ang ka una-unahang dumating ako sa paaralan ng hindi late.
Hindi kasi ako masyadong nakatulog. Parang lutang lang ako. Dahil siguro ito sa nangyari kahapon. Hindi parin kaso ako makapaniwala na unti-unti ng nagigising ang mga kakayahan ko. Sa totoo lang, takot ako sa mga susunod na mangyayari.
Maykakaiba rin akong nararamdaman ngayon. Since, kahit anong gawin ko hindi ako makatulog ng maayos, naisipan ko na lang na pumasok sa paaralan ng maaga. Kaya ito, mukha akong zombie na naglalakad.
"Mihr!"
"Mihr!"
"MIHR!"
Binilasan ko lang ang paglakad ko na hindi pinapansin ang sino mang tumawag sa akin. Bahala siya, habulin niya ako kung gusto niya.
...lakad
...lakad
...lakad
...takbo!
"Aray ko naman Shan! Huwag mo nga akong basta-basta na lang niyayakap, masisira ang beauty ko sayo." Ang bilis niyang tumakbo ah! Na abutan niya ako agad.
"Bakit kasi hindi mo ako nilingon ng tinawag kita?" Pagtatampo nitong tanong.
"Dahil alam ko kasi na yayakapin mo ako. Parang hindi tayo nagkita ng matagal. Kung makayakap, wagas te!"
"Hoi Mihr! Ang aga mo ha?"
Tinignan ko ang bagong lumapit ng masama.
"Oo nga Namae no, end of the world na ata." sang-ayon ni Cael sa tanong ni Namae.
"Abir, anong masama kung maaga ako ngayon?"
"Lahat." sagot ng bagong dating na si Ziel.
"Bakit kasi ang aga mo? Nagbabagong buhay ka na?"
"Hindi kasi ako masyadong nakatulog Shan kaya maaga akong pumunta rito." sagot ko nalang para matapos na rin ito.
"Parang baliktad ata ang sinabi mo, hindi ko maintindihan." komento ni Cael
"Huwag mo na lang intindihin."
"Alam niyo maaga pa, kain mo na tayo hindi pa kasi ako nakapagbreakfast."
Minsan nakakatulong rin itong katakawan ni Namae katulad ngayon na gusto kung umiwas sa usapan. May naidudulot palang mabuti ito sa akin paminsan minsan.
"Kaya magpasalamat ka sa akin."
~~~~~~~~~~~~~~~
BLAH!.. Blah!... Blah!... Blah! Blah!........
Munch.... munch.... munch..........
Tok.... tok.... tok....
Habang nasa canteen kami wala akong ibang narinig kung hindi ang malalakas na pag-uusap ng mga tao, ang tunog ng mga lakad nila at ang tunog tuwing kumakain sila. Lahat sila sabay-sabay kung naririnig at ang mas masama pa ay parang lahat sila nakamegaphone malapit sa tenga ko. Isa pa itong mga mababahong naaamoy ko na para bang napakalapit lang sa ilong ko.
"Ouch!"
Kasabay ng sigaw na narinig ko ay ang umalingawngaw na mabangong amoy na ngayon ko lang na amoy ngunit parang ginugutom ako ng amoy na ito.

BINABASA MO ANG
TIED BY FATE ( Magical Night University)
FantasyMagical Night University is a school for UNIQUE individuals and for SUPERNATURAL beings pero pinaganda lang ata nila MONSTERS pa rin naman ang tingin sa amin ng iba. ~~~~~~~~ Mihr: What can I do if the person I love is the person I can not trust? Is...