Chapter 15: Athan

38 1 0
                                    

~ Cael's POV~

BAKIT ang lamig at ang hangin pa? Sigurado naman akong nakasara ang bintana ko.

Ano ba to nakakakiliti naman.

The moment I opened my eyes a blinding light greeted me. Nang nakaadjust na ang mga mata ko saka ko na realize na wala pala ako sa kwarto ko at lalong-lalo wala ako sa bahay namin. Nasa lugar ako kung saan maraming punong nakalibot. In short, gubat. Nakadapa ako sa lupa ng may maraming damo kaya ako nakikiliti. 

I immediately stood up and dust-off myself. Ang denim pants na suot ko may butas-butas na, kusot at medyo madumi kagaya rin ng damit na suot ko. Feel ko rin ang dumi ng buhok ko kasi parang ang bigat na niya. Sigurado ko rin na ang dumi ko. Suot ko pa ang damit na suot ko noong namasyal kami ng mga kaibigan ko sa mall. Chineck ko ulit ang sarili ko, buti wala naman akong sugat at wala ring masakit sa akin.

Ano kaya ang nangyari?

Wala talaga akong maalala kung bakit ako nandito.

Nakakatamad mag-isip kaya naglakad na lang ako palabas sa gubat habang hinahanap ang cellphone ko sa backpack ko. Buti hindi ko to nawala o naiwan man lang.

Sh*t. Wala na akong battery. Paano to? Hindi ko man lang alam kung na saan ako. Kung sinuswerte ka nga naman.

"Sino yan?" Parang may naglalakad palapit sa akin.

"Sino YAN?" Nilakasan ko na kasi lumalakas rin ang kaluskos na naririnig ko sa likuran ko.

Binuksan ko ang backpack ko at may kinuha sa loob bago humarap sa likuran ko at itinutok sa kanya ang hawak ko.

"Woah!" Sabi niya sabay taas ng dalawang kamay niya na parang nakasurrender pose.

"Sino ka? Bakit mo ako sinusundan?" Hindi ko parin binaba ang hawak ko na nakatutok parin sa kanya.

"What? I'm not following you. Hindi ko nga alam may takas pala na naligaw dito." Natatawa pa niyang sagot. Natatawa pa ha.

"Anong takas?" Anong takas pinagsasabi ng siraulong ito?

"Hahaha!!!" Tawa lang siya ng tawa habang nakahawak sa tiyan na. Hindi naman ako nagjoke eh.

"T-takas sa...hahaha... mental!" Putol-putol niyang sabi habang tumatawa pa rin habang ako nagtitimpi na ako sa galit dahil sa narinig ko.

"Anong takas sa mental ang sinasabi mo diyan?! Gusto mong saktan kita ha?" Siraulong lalaking ito talaga. Mas nilapit ko pa sa kanya ang hawak ko kaya umatras siya ng kaunti habang tawa parin ng tawa.

"Kasi Ms. Tingnan mo nga iyang sarili mo." Tiningnan niya ako from head to toe habang pinipigalan pa rin ang tawa niya.

"Eh, anong problema?"

"Kung sino man ang makakakita sayo, mag-aakala talaga na baliw ka. Ang dungis mo kaya, nasa gubat ka mag-isa at ang buhok mo mukha ng birds' nest." Hinawakan ko ulit ang buhok ko dahil sa sinabi niya. Naconscious tuloy ako. Aish! Bakit ba ako naconscious? Wala nga akong pakialam sa sarili ko eh. Kung makatitig kasi wagas!

"At ang pinakamatindi sa lahat. Hahaha. May pathreat threat ka pangnalalaman diyan eh tignan mo naman iyang hawak mo." At humagalpak na siya ng tawa.

Tiningnan ko ang hawak ko at saka narealize na medyo tama siya kaya ibinaba ko na lang ito.

"Seriously miss? Gusto mo akong saktan gamit ang plastic na suklay? Suklay talaga?" Tawa pa rin siya ng tawa.

Nilagpasan ko na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Kung makalait kasi ang lalaking iyon wagas. Pasalamat siya at wala ako sa mood makipag-away.

TIED BY FATE ( Magical Night University)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon