Chapter 18: Black Cloak

17 0 1
                                    

"ALAM mo, a guy like him isn't worth your time. Kaya huwag muna siyang isipin."

"Hindi ko siya iniisip."

"Talaga?" Ang tsismosa talaga ng babaeng ito. Nanahimik na nga ako, gingugulo pa ako.

Sa kasalukuyan kasi nakahiga lang ako sa bed ko while staring at the ceiling habang siya nasa bed rin niya sitting criss cross-applesauce na nakaharap sa akin. Kami lang dalawa ang nandito ngayon, iyong dalawang room mate namin hindi ko alam kung asan.

"Dali na Mihr, kuwento na bago pa dumating iyong dalawa." Kulit talaga nito. Sarap tirisin.

"Hindi ako kuto para tirisin mo. Dali na nga. Hindi ka na pwede makapagdeny kasi nabasa ko kanina na iniisip mo siya at tinatawag mo siyang bipolar."

"Daldal mo. Tulog na nga tayo."

"Kuwento na kasi. Dali na. Atin-atin lang nam..."

"Namae!!! Anong nangyayari?! Ang ingay!" Agad ako napaupo at tinakpan ang tenga ko dahil sa bigla-biglang pag-iingay.

"Hindi ko alam. Magkasama tayo ngayon, di ba?"

" Make it stop." Ang sakit talaga ng tunog. Sumasakit na rin ang ulo ko. I tried to cover my ears with a pillow pero tumagos parin ang ingay. The sound was just too sharp that it pierced through my ears. If magtatagal pa to, my ears will surely bleed.

" Namae! Mihr! Lumabas na tayo!!! Bilis!!!"

" Bakit?! Ano bang nangyari?!"

" Blue Alarm!"

"Anong Blue Alarn?!"

"Shut up!" Ang ingay-ingay na nga tapos itong dalawa nagsisigawan pa sa harapan ko.

"Mihr at Namae. Sumama na kayo sa amin ni Iris. Kailangan nating pumunta sa safety room."

"Mihr tayo ka na." Hinawakan ako ni Namae at inalalayan na makatayo. Nakapikit parin ako at nakayuko habang hawak ang unan na nakatakip sa tenga ko.

"Anong nangyari sa kanya?" Rinig kong tanong ni Iris.

Di ko alam kung saan kami pupunta, ang alam ko lang ay nakalabas na kami sa room namin at nasa hallway na kami tumatakbo. The sound slowly fades, so I was able to open my eyes. Madilim ang paligid na may blue na ilaw na kumikislap-kislap.

" Sa Blue Room tayo pupunta. Bilisan na natin. The sound already stopped which means we only have 20 minutes before the lights will stopped too."

"Anong mangyari if mawala na ang asul na ilaw?" Tanong ni Namae sa sinabi ni Janine. Nasa likuran lang kami ni Janine at sinusundan siya.

" Locked down. The Blue Room will closed."

" Ano ba kasi ang nangyari?"

" Blue Alarm means may dangerous na outsider na nakapasok sa shield natin. Any minute pwede tayong atakihin. Mamaya ko na i-explain ang lahat dapat muna tayo makapasok sa Blue Room."

Pagkatapos niyang sabihin iyon, kahit isa sa amin wala ng nagsalita. Tumatakbo na lang kami habang sinusundan namin si Janine.

TIED BY FATE ( Magical Night University)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon