Meet Sapphire Demitrious

13.9K 297 14
                                    

Matapos ma akong maligo, agad ako nag bihis ng uniform at bumaba na para kumain

Ako nga pala Si Sapphire Blaze Demitrious 19 years old, isa akong Assassin, 4th year collage ako sa Demitrious Fire Academy o mas kilala sa Tawag na DAF school.

May gang akong pinang hahawakan at ito ang Demoniatic Death Gang, Kinakatakutan kami kasi wala kaming awa kung pumatay pero kahit ganon normal parin kami namumuhay at nakikihalubilo sa ibat ibang tao.

Pagbaba ko nakahain na ang mga pagkain agad akong umupo at kumain na.

Wala pala akong kasalo kumain wala dito sila mom at dad nasa State sila nag mamanage ng kompanya namin.

Wala akong kapatid , pinadala ako nila dito para may mag hahandle ng school na ginawa nila dito sa Pilipinas kaya sumunod na din ako kesa patayin ako ng Tatay ko takot ko lang dun.

Where's my car ?"cold kung sabi dun sa maid na naglilinis

Young Lady naka park na po ito sa labas" sabi sakin sabay bow.

Simula nang may hindi inaasahan na pangyayari ay bigla nalang ako nawalan ng gana na makaramdam ng kahit anong emosyon.  Hindi ako ganito dati pero Simula ang insidenteng ayoko ko nang maulit ay naging ganito na ako. Seryoso,  tahimik, nag iisa at walang pakialam sa paligid ko. 

It's been awhile bago ako matutong makihalubilo ulit sa mga tao sa paligid ko. Nagtatago lang ako sa loob ng kwarto ko ni ayaw ko ngang maarawan o ano man ayoko makipag usap kahit kanino at umiiyak lang ako buong araw at gabi pero matapos ang lahat nangyari ay napag isipan kong kailangan kong bumangon at hindi solusyon ang pagmumukmok.

At ako na nga si Sapphire Blaize Demitrious.
~~~~~

Katapos kung kumain agad akong nangtungo sa parking lot dito sa bahay at kinuha ang motor na pinaka paborito ko sa lahat ng bigay sakin ni Mom at Dad nung 16  years old ako kaya importante ito sakin.

Agad kong tinungo ang daan papuntang school, pinaharorot ko lang ang motor kaya mabilis akong nakarating.

Agad ko itong pinark sa place ko,

May sari-sariling place kung saan ka pwede mag park ng sasakyan mo at syempre may place ako dito.

Kung tutuosin isa lang akong transferee dito, Oo bago lang ako diba nga pinadala ako ng Mom at dad ko dito. Kaya medyo naninibago pa ako. 

Pero matagal na din nandito ang ibang mga kagrupo ko kasi nauna sila pumunta sa Pilipinas.

Dahil na din sa maraming gustong pumatay sakin ay napagdesisyunan kong ilihim ang aking pagkatao at magpaka weird na nerd bilang disguise.

Wala naman akong arte sa katawan pero kelangan ko mag tiis,  kung di lang talaga maraming gustong pumatay sakin para lang makuha ang aking mga mata.

Isa lang ang balak nila sakin ito ay makuha ang aking mga mata kasi kakaiba ito wala pang ganitong mata ang natatagpuan kong hindi ako lang.

Normal nitong kulay ay Green pero pag galit ako nagiging Red ito pero, pag dadating ng Blue Moon na minsan lang ito mangyare nagiging Blue ang mga mata ko.

Di ko alam paano ito nangyayare pero kahit sinong experto o doctor sa mga mata walang nakapagbigay ng iksaktong detalye tungkol sa aking kalagayan.

Nakacontact lens ako na itim, at malaking eye glasses.

Ang uniform sa DFA ay longsleeve at maikling palda na kulay green, pero ang sakin ay long sleeve at mahabng palda so manang outfit talaga at makaka agaw pansin sa ibang estudyante.

The Bloody Demon (Book 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon