~Kayden P.O.V~
Hoy Kayden di ka ba maghahanda? Ikaw na makakadate ni Sapphire ah?" Sabi ni Rayder Habang nanonood ng TV
Ako na ba makakadate ni Sapphire? Ayy Oo Tuesday na pala :)))))
Ah.. Di pa" At kumakain parin ako ng lollipop
Maghanda kana para paggising ni Sapphire wala kanang proproblemahin pa" Nyee ano ba gagawin ko wala naman akong alam gawin maliban sa Alagaan si Chaw chaw at kumain ng lollipop?
Nakaupo lang ako Habang nilalaro si Chawchaw
Ano ba kasi gusto ng babaeng yun? Di ko naman alam :( Minsan lang kasi bumait yun eh
Habang tinitingnan ko si Chaw-Chaw ay nagkaroon ng idea sa utak ko
Ah Alam ko na ......
***********
Sapphire P.O.V
Nagising ako sa Sikat ng araw, panibagong araw na naman para maging mabait
Wala namang something special na nangyare sa pagitan namin ni James, Just a Friendly Date :)
Ngayon ko lang din nalaman na may lihim din palang pagtingin ang bakulaw na yun sakin pero wala lang sakin yun kasi kapatid naman ang Turing ko sa kanila
Naligo muna ako at lumabas na ng kwarto sakto pagbukas ko ng pinto ay bumugad sakin si Kayden
Oh Anong ginagawa mo dyan?" Para siyang Tanga na naka Upo sa pinto ko -____-
Ahh, Hinihintay ka magising" Para siyang bata -___-
Eh bat di mo ako ginising? dyan ka pa naghintay" At naglakad na ako iniwan ko siya sa may pinto ko pero sumunod naman
Wala lang para surprise" At Ngumiti siya
Sa Lima kong Kaibigan siya lang talaga di ko maintindihan ang ugali -_-
Di ako nasurprise, Kung alam ko lang na andoon ko edi sana sinipa kita" Sarcastic kung Sabi pero syempre Biro lang yun ..
Akala ko ba mabait kana?" Tapos nag pout pa ang put*k
Baliw, So ano kelangan mo ngayon tsaka nasaan yung iba?" di ko nakikita ang mga ulopong na yun,Ano kayang mga pinagkakaabalahan
Di ko alam, Andyan lang daw yan sa tabi-tabi, Malayo ba yun?" Naibuga ko yung Milo na iniinom ko
Seriously itatanong niya kung malayo ang tabi-tabi
Kung di ka kalahating, Tanga at Bobo masasagot mo yan" Sabi ko sakanya at iniwan siya
Pupunta na sana ako sa Sofa nang makita ko si Chaw-chaw
Namiss ko tong asong to, minsan nalang kasi siya sa HQ , Inuuwi kasi siya ni Kayden sa Bahay nila -__-
Chaw-chaw baby" At kinarga ko ito
Uyy Madudumihan si Chaw-Chaw' At inagaw niya si Chaw-Chaw sakin , Sinaman ko siya ng tingin
Lecheng lalaking to, Katatapos ko lang kaya maligo no, Di naman ako madumi,
Di ako madumi no, Yang aso mo kung saan-saan sumusulpot eh" At tinarayan ko siya
Bwesit Sakanya na lang yang aso niyang Panget -___-
Simula pa dati lage talaga kami nag aaway ni Kayden
Pagkasama ko yan nagiging isip bata din ako -___- Nakakahawa ang Kabaliwan ng lalaking yan
Uyy Sapphire Sapphire" Bahala siya dyan di ko siya papansinin