~Rayder P.O.V~
Kunin mo kasi " Parang bata na nagwawala si Kayden
Oo Na ito na nga oh" Sabay bato naman ni Caleb sakanya ng Remote Control
Sakit talaga sa ulo ang mga ito Na Stress ako
Busy silang lahat
Si Kayden at Caleb naglalaro ng Video games
Si Raven may inaayos sa mga Gamot niya
Si James Nakaupo lang sa Sofa at nakapikit
At si Sapphire Princess ? Aba Ewan ko baka nasa kwarto niya
Iniisip ko parin kung ano ang Parusa sa likod ng Shopping at UTOS na yan, Knowing Sapphire Hindi siya nagbibigay ng madaling Parusa
Eh Ewan ba naman sa babaeng yan, Sabi niya wag namin siyang pansinin pag nasa school tapos ngayon magagalit galit siya? Hay naku nga babae nga naman hirap intindihin -______-
makapunta na nga muna sa Veranda para mag Yosi
Habang naglalakad ako papunta sa Veranda dito sa HQ ay biglang nagsalita si James
San Ka pupunta?" Habang nakapikit parin
Believe din ako sa isang to, Lakas ng pakiramdam kaya di na ako magtataka kung siya ang magaling nag observe sa grupo
Sa Veranda lang tapos magsisigarilyo sama ka?" Pakita ko sakanya kaha ng sigarilyo
Minulat naman niya ang kanyang mata at tumayo
***********
Gusto mo?" Sabay abot sakanya ng Isang stick ng sigarilyo
No Thanks, nag stop na ako dyan' At Ininom niya ang kape niya ..
Naks naman si Pareng James Di na nagsisigarilyo....
Actually minsan lang ako magsigarilyo pang relax lang kumbaga, Di kasi kami pinapayagan ni Sapphire, Di ko alam dun pero sabi ni Raven May SAKIT daw si Sapphire
Baka nahihirapan lang huminga pag nakaka Amoy ng sigarilyo :)
Nakaupo lang kami dito sa Veranda, Di naman masyadong mainit
Sa tingin mo anong parusa ang gagawin sa atin ni Sapphire?" Tanong ni James sakin,
Hindi ko din alam yan din ang tanong na bumabagabag saakin, pero sana naman di tulad dating Hahaa" Ngumiti nalng siya
Naalala ko nung Nagkasala din kami Kay Sapphire at pinarusahan kami, Sobrang di talaga namin malilimutan
Winala kami sa kagubatan ni Sapphire tapos muntik na kami malapa ng Mababangis na Hayop, Kala namin di na kami makakalabas ng buhay
Grabe talaga yung Sapphire Princess Kong yun,
May maamong mukha lang pero mabangis pa sa hayop
Nagkwentohan lang kami ng kung ano-ano ni James ng biglang mag ring yung Cellphone ko
Kinuha ko ito sa bulsa ko at Sinagot kahit di ko pa nakikita kung sino ang tumatawag