Sapphire's P.O.V
Nagising ako na na kumakalam ang sikmura ko, di na kasi ako kumain hayst !!! Pagtingin ko sa oras ay mag 11 na ng gabi
Bumangon ako at dumiretsu sa CR at naligo at nagpalit ng damit, Lumabas naman ako sa aking kwarto at sumakay ako sa elevator, pagkabukas nang elevator bumugad sakin si Manang Flor
Magandang Gabi sayo Sapphire, Gusto mo na ba kumain? ipaghahanda na kita" giit niya
Wag na po manang lalabas nalang po ako at maghahanap nang pagkain" Tumango naman si manang
Aba nakakasawa din ang laging Pork,Chicken, Lecheon ang ulam niyo, syempre gusto ko maiba naman -_- tska sa labas nang Subdivision namin ay may mabibilhan na Kahit ganitong oras, Night city kasi ito
Sa paglabas ko ay agad na akong naglakad sa eskinita medyo malayo layo nang konti ang lalakarin bago makadating ako doon sa Mini STop, Wala na ding masyadong tao lalo nat maghahating gabi na din
Papaliko na sana ako nang may nakita akong nagbubugbugan at nagsisigawan sa isang madilim na banda nang eskinitang tinatahak ko
Di ko nalang tiningnan kong anong kagulahuhan man ang nangyayari sa paligid ko, basta ang alam ko kelangan ko agad makapunta sa Mini Stop dahil nagugutom na ako -_-
Nagulat ako nang bigla silang huminto at tinitigan ako, Alam kong Dyosa ako pero ayaw kong tinitingnan ako na walang dahilan -_-
Sapphire?~ Saad nang isang lalaki, Dahil madilim ay diko siya makita pero kilala ko ang boses niya, At sigurado ako walang iba kundi si Vamer
Go On, Dadaan lang naman ako" cool kung Sabi, at tinaas ko pa ang kanang kamay ko at humakbang na ako ulit
Agad naman akong nakadating sa Mini Stop, kumuha ako Agad 3 Donuts, 2 Siopao, 1Pine apple drink, 1 tempura at 5 chocolates , Oo ako na mahilig kumain, pero pake niyo ba di naman ako nataba eh -_-
Dumiretsu na ako sa counter at nagbayad, Nang matanggap ko ang Sukli ay umupo na ako sa malapit sa malaking glass kung saan kita ang mga ilaw sa poste sa labas, Walang mga costumer dito sa mini stop, buti nalang at 24 hours sila bukas
Habang kumakain ako ay bumukas ang pinto ng Mini stop at nakita ko sila Vamer na palalapit sa akin
Sabi ko na nga ba di ako nagkakamali, Sila nga -_-
Hinayaan ko lang sila at nagpatuloy lang ako sa pagkainAnong ginagawa mo dito Sapphire?" Tanong sakin ni Luke
Ano sa tingin mo ang ginagawa ko ngayon?" pilosopo Kong Sabi, Wag na kayo magtaka kung dati ay medyo mabait pa ako sakanila, Well ako na ngayon si Sapphire at Hindi na si Venus
Anong oras na ah?~ Cedric
11 past?" Walang gana kung sabi
Saan kaba nakatira?Ihahatid kana namin baka mapahamak kapa sa daan" Giit ni Vamer
Wag na kaya ko ang sarili ko, tsaka malapit lang ang subdivision ko dito, At By the way baka may bubugbugin pa kayo maka istorbo pa ako" *Yawn* Tapos tumayo na ako at naglakad na paalis sa Mini Stop, Dinala ko na din ang pagkain ko, Sa mansion na nga lang ako kakain