Payapang natutulog sa kama si Sapphire, nakaupo lang ako sa tabi niya pinagmamasdan ko siya matulog ng mahimbing
Hindi mo aakalin na ang babaeng ito ay isang Demonyo, Babaeng wala awa kung pumatay pero kahit ganon siya Mahal at pinahahalagahan siya ng buong barkada
Kahit di aminin ng iba, kahit takot kami Kay Sapphire handa kaming lahat ibuwis ang buhay namin para lang mailigtas siya
Alam kong mamaya pa siya magigising kasi matagal ang epekto ng gamot na pampatulog na ginamit ko
Tsaka kelangan niya din magpahinga muna, masyado na siyang Stress sa pag iisip paano makakapag higanti sa mga kalaban
Malaki din ang pagpapasalamat ko kay Sapphire kasi siya ang tumutulong sakin para makuha ko ang Hustisya ng pagkamatay ni Ate
Inalala ko mga panahon na magkasama kami ni ate at napayukom ang Kamao Ko
Flashback>
Ate San ka pupunta ? " tanong ko Kay ate, 21 years old si ate at 17 lang ako
May kakausapin lang ako" sabi niya Sabay ngiti sakin ng malungkot
Napansin ko ang mga ngiti ni ate, Parang ito na ang Huling beses Kong makikita ang mga ngiti niya
Raven alagaan mo ang sarili mo, wag mo pabayaan ang pag aaral mo " sabi niya Sabay upo sa tabi ko at nakangiti parin ng malungkot
Oo naman ate, ano ba pinagsasabi mo parang di na tayo magkikita?" sabi ko sabay tawa ng alanganin
Madaldal ako pag dating Kay Ate, siya lang kasi nakasama ko ng paglaki ko masyado kasing busy sila Mom at Dad
Haha alam mo naman madrama ang Ate Rainer mo diba masanay kana haha, nakausap ko pala si Sapphire kagabi " sabi niya Sabay ngiti sakin na Parang kinikilig pa
Ano sinabi niya? Ano sinabi mo?" sabi ko na Hindi tumingin sa mata ni Ate
Haha kilala kita Raven, Hmm wala naman Girl Thingky na yun Haha, Basta Alagaan mo si Sapphire alam kung mahalaga siya sayo Simula mga bata pa kayo, Basta Bro wag kang matorpe aminin mo yang nararamdaman mo haha" sabi niya na kinikilig
Di ako torpe ate no" Sabay kamot sa batok ko
Alam ni ate lahat ng sekreto ko, Kaya di ako makakapaglihim dyan
haha Cge Alis na ako, basta yung tungkol Kay Sapphire ah" sabi niya Sabay tayo sa kinauupuan at naglakad na patungo sa pintoan pero huminto siya saglit at tumingin sakin