* Raven P.O.V *Nangmakalabas ako sa kwarto ni Sapphire ay nagtungo ako sa kusina at uminom ng malamig na tubig
Nadatnan ko din ang Apat na naghahanda ng mamakain
Kumusta siya?" tanong ni Rayder
Tulog " maikli Kong sagot
Nakakatakot si Sapphire para siyang Demonyo na mangangain ng tao " sabi naman ni Kayden na nailing iling pa
Di na kayo nasanay Kay Sapphire, buti nga Hindi niyo naranasan mabugbog nyan eh " natatawang sabi Naman ni James
Tumahimik nalang kami at kumain nalang, alam namin na pag gising mamaya ni Sapphire ay maghahanap yun ng pagkain
Ako nga pala si Raven Rain Ramos 18 years old, Ate ko si Rainer Rose Ramos pero sa kasamaang palad wala na siya
Kababata ko si Sapphire,Kung may nakakakilala man ng lubusan sa nararamdaman ni Sapphire walang iba kundi ako yun
Matagal ko nang mahal si Sapphire pero di ko masabi sakanya Hindi sa Torpe ako -_- pero di ko lang alam kung ano ang magiging reaksyon niya
Kilala ko si Sapphire kaya baka di niya tanggapin ang pagmamahal ko sakanya higit pa sa isang kaibigan kaya mas pinili Kong itago na lamang ang aking nararamdaman
Balita ko may nag hacked daw sa system natin?" pagbasag ng katahimikan ni James
Napatingin naman kami Kay Caleb siya kasi ang nahawak sa System ng Evilniatic tapos siya din ang magaling sa mga Computer na yan
Oo na hacked ito ng Molviatic pero wala silang nahanap na kahit ano kasi natransfer ko na ito agad sa ibang system " cool na sabi ni Caleb
Kahit May pagkamayabang ang lalaking ito, minsan may utak din ang isang to tssk -_-
So ano balak natin Kay Sapphire Princess ?" saad ni Rayder
Napatahimik kami, at Sabay Sabay silang tumingin sakin
Siya na ang bahala sa kagustuhan niya" sabi ko sabay inom ng tubig
alam ko naman na Hindi ko mapipigilan si Sapphire sa mga plano niya Kaya papabayaan ko siya sa gusto niyang mangyare
Pero paano tayo nakakasiguro na Hindi siya sasaktan ng Grupo ni Climson?" saad ni Kayden
Tama si Kayden wala kaming kasiguraduhan, Hindi dn namin alam kung may binabalak ba sila na masama Kay Sapphire , Mas lalo kaming mahihirapang bantayan si Sapphire kasi Hindi kami pwedeng lumapit sakanya
Mag tiwala nalang tayo Kay Sapphire " sabi ni James
wala na din kaming magagawa, Kung di namin kayang pagkatiwalaan ang Grupo nila Climson, Kay Sapphire kami magtitiwala alam namin na Hindi ipapahamak ni Sapphire ang sarili niya