States Underground

4.6K 76 50
                                    

>Sapphire's P.O.V<

Sa tagal-tagal kong kumain ay natapos na din ako, walang hiyang Venna yun katapos umorder ng napakarami ay iiwan nalang ako bigla.

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa pero di ko mahanap ang daan pauwi. Ano ba naman yan Sapphire kailan kapa naging tanga. -_________-

''Hi Miss Pilipina ka ?"' nagulat nalang ako ng biglang may sumulpot na isang babae sa harap ko. Nandito ako sa isang boutique, nagtitingin-tingin ako ng gown, tenext ko na din si Kuya Thunder na sunduin ako dito.

Walang gana kong tiningnan ang babae, naka itim siya ng damit at white pants, maganda, maputi pero hindi masyadong katangkaran.

''Ah oo'' tipid kong sagot, naka hide parin ang identity ko kaya di agad ako makikilala maliban nalang kung titingnan mo akong mabuti.

''Ang galing naman, Pilipina din ako taga Batangas ako, ikaw taga san ka?''

Inabot niya pa ang kamay niya pero nginitian ko lang siya kaya napahiya naman siyang binaba ito.

''Cavite'' at tinalikuran ko na siya at nag tingin-tingin na ulit ng gown pero bigla na naman itong lumapit
sakin

''Gusto ko sana makipag kilala sayo, I'm new lang kasi here''

Hindi ko alam pero ayaw ko sa aura niya, ewan ko kung bakit mas gusto ko pa yung Venna kaysa sa isang to.

''Wala akong oras makipag kilala kahit kanino'' at pumunta na ako sa counter upang magbayad sa napili ko.

Pero ramdam kong nakasunod parin ang babae.

''Sungit mo naman, nakikipag kilala lang, dali na friends na tayo'' at tumabi pa sakin sa counter pero di ko nalang siya pinansin.

Inabot ko ang atm ko don sa cashier at tinalikuran na yung babae.

''Che kung ayaw mong makipag kaibigan, di wag akala mo sino kang pretty'' at nauna ng maglakad at binangga pa ako.

Sino ba kasi ang babaeng yun? lakas ata ng topak ng isang yun -______-

Ganito ba mga tao sa America? parang may mga sapi.

''Hey, dapat hihintayin nalang kita sa parking lot kaso nainip ako kaya hinanap na kita, sino yung babaeng kausap mo bata?''

Bumuntong hininga muna ako bago sinagot ang tanong ni Kuya Thunder.

'Ewan ko, baliw ata yun'' walang gana kong sabi at sumabay na sa paglalakad kay Kuya papuntang parking lot.

*******

Nasa may parking lot na kami ng biglang may tatlong lalaki ang lumabas kong saan.

''Who are you?'' malamig na banta ko

Wag mong sabihing mapapa away kami dito? pati ba naman dito sinusundan kami.

''Follow us''

Nagulat ako ng biglang nag bow ang tatlo saamin ni Kuya, nagkatinginan muna kami ni Kuya Thunder, hindi naman kilala ang mga ito kaya hindi kami sasama sa kanila.

''Inuutos ni Ms. Dagger''

Pilipino pala ang mga to may pa follow us , follow us pang nalalaman.

At ano ang kailangan ng babaeng yun sakin?

''Bata, kilala mo ba yung Dagger?''

Tumango nalang ako kay kuya at sinabihan ang tatlo na mag drive papunta sa place at susunod lang kami.

**************

Nakarating kami sa isang malaking mansion, bumaba na ako dahil ayaw sumama ni Kuya sa loob.

''Asan siya?''

Walang gana kong sabi , tinuro naman ng tatlo ang isng malaking itim na pinto at umalis nasila.

Anong kailangan niya at bakit niya ako pinapunta dito?

Pagbukas ko ng pinto ay bumugad sakin ang isang malawak na kwarto na walang kalaman-laman.
Walang design, walang kama, as in walang lahat maliban nalang sa isang upuan na nakaharap sa binatana at nakita kong nakaupo rito ang isang babae pero nakatalikod.

''What do you need bitch?'' sabi ko at naglakad na papalapit sakanya. Unti-unti naman siyang tumayo at hinarap ako habang pinapaikot-ikot ang baso ng wine sa kamay niya.

She's wearing a red gown.

''Ganyan ka ba talaga bumati sa isang kaibigan, Bitch?''

inirapan ko nalang siya, ano na namang drama ng isang to?

''Paano mo nalaman na nandito ako?''

magkaharap na kami ngayon, inabot niya sakin ang baso na may wine pero tumango lang ako.

''Syempre ako pa ba, I used my connections''

Nag yayabang na naman siya. Kinuha ko ang baso at iinumin ko na sana ang red wine ng biglang bumula ito at naging blue.

Tiningnan ko siya ng ubod ng sama pero tumawa lang ito, inis kong binitawan ang baso kaya nabasag ito.

'''Balak mo pa akong lasunin, impakta ka''

Yes, ang baso na may wine na binigay niya ay may lason.

''Ganyan ako mag welcome pag may bisita hahaha, okay straight to the point na, hindi naman ako ang may kailangan sayo kundi ikaw ang may kailangan sakin, you need my help''

sabi sa inyo nag yayabang na naman to, ni hindi ko nga kailangan ang tulong niya tapos sasabihin niya i need her help. Pwe .

''Ewan sayo, aalis na ako bitch'' bumeso nalang ako sakanya at naglakad na paalis.

''See you soon''

pahabol niya pang sabi pero tinaas ko nalang ang kamay ko bilang paalam at naglakad na ako paalis.

Nag effort ako pumunta dito, wala naman palang kailangan, kahit talaga kailan Dagger Serendipity.

''Oh anyare?''

bungad ni Kuya pero umiling nalang ako. Papasok na sana ako sa kotse ng biglang isang arrow ang tumama sakin.

''Sh*t'' tarantang sabi ni kuya, tiningnan ko kung saan galing ang arrow.

Nakita kong nakadungaw si Dagger sa may bintana na nakangiti.

''Sapphire kailangan nating magamot yan''

Tarantang sabi ni kuya, doon ko lang napansin dumudugo na pala ang braso ko na tinamaan. Ngumisi nalang ako tsaka pumasok ng kotse na parang walang nangyari.

Wala ka paring pinagbago Bitch. ikaw parin ang Bitch na bestfriend ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N:

Belated Merry Christmas :D

~DeathVampire

Vote Comment Share

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bloody Demon (Book 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon