MorNight

3.4K 118 6
                                    

Sapphire's P.O.V

Andito ako ngayon sa labas ng mansion, sirado na ang gate at panigurado tulog na din sila manong guard, syempre ayoko na din sila abalahin na pagbuksan pa ako ng pinto no -___- may puso din ako -_-

Shemay naman kasi bat balikat ko pa ang tinarget ng mga ulopong na yun, paano na ako ngayon makaka akyat sa gate
bwesit talaga oh

Lumingon ako sa paligid at tiningnan kung may pwede ba akong magamit dito

Yun kahoy na hagdanan, siguro naiwan to nila manang? Yesss Magagamit ko to , Agad ko itong kinuha at umakyat na sa gate

Shet! para akong akyat bahay gang nito ah -___-

Buti nalang at ligtas naman ako nakatalon papunta sa baba.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintoan, buti at bukas

Naku talaga mga maids dito sa bahay, mananakawan pa ata ang mansion dahil sa iniiwan nilang bukas ang pinto, bukas sila sakin pagsasabihan ko sila pero Yae na pasalamat nalang din ako at bukas kesa umakyat pa ako papunta sa Bintana ko, baka di na kayanin ng balikat ko

nakakatatlong hakbang palang ako ay biglang bumukas ang ilaw sa sala

Sh*t ito na nga ba sinasabi ko gising pa siya -_- Patay !!

Saan ka ng galing?" cold na sabi ng nagbukas ng ilaw, walang iba kundi si Rexsor

nakuu naman, maraming tanongan na naman to !!!

Ah-Ehh Rex una na ako sa kwarto inaantok na ako"di ko siya nilingon at humakbang ulit sa hagdanan pero nagsalita ulit siya

F*ck anong nangyare sa balikat mo" agad niya akong hinatak kaya no choice ako kundi humarap kay Rex

Ah Hehehe, Nadapa lang ako Rex, Ano kaba?" at pilit akong tumalikod pero mahigpit ang pagkakahawak niya, sinasabi ko na nga ba Q&A portion ang mangyayare

Gusto mong paniwalaan kita? na nadapa ka una balikat ganon? Ako nga wag mong pinagloloko Hime" At hinila niya ako pa upo sa Sofa, Sabi na nga ba di siya maniniwala

pagdating talaga kay Rexsor di ako manalo-nalo, nababasa niya kasi ang utak ko -_- mind reader ata tong lalaking to? yung totoo?

Pasa lang yan Rexsor, pasok na ako sa kwarto inaantok na ako" sinubukan kong tumayo pero wala talaga eh

Pasang nagdudugo? tingnan mo nga basa na ng dugo yang manggas ng damit mo,atsaka hime Tanga at bobo lang ang maniniwala sayo " At inirapan ako, Tsk kalalaking tao nang iirap, parang Clarence lang ah , Ay Shet! Bat ba nasali ang butiki na yun dito?

Nag pout nalang ako, kahit ano naman sabihin kong kasinungalingan di ako paniniwalaan ng lalaking to

Wag ka nga mag pout dyan Hime di bagay sayo, dito ka lang kukuha lang ako ng pang gamot dyan sa katangan mo okay" At umalis na siya, makatanga din tong isang to pasalamat siya love ko siya at di ko siya papatayin

Dont get me wrong as in Mahal as a friend, kuya basta ganon walang meaning -_-

Agad naman bumalik si Rexsor at ginamot ang sugat ko sa balikat

Arayyyyyy!! Sakit naman oh " sigaw ko, wala akong pake kung di lang kami ang tao sa mansion ko, pake ko maids lang ang mga iyun

Aaray aray ka dyan, pero lakas mo makipag bugbugan, saan kaba kasi ng galing?" di ko pa pala nasasabi San ako galing

The Bloody Demon (Book 1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon