The Angel who Hit Me Hard

26.3K 534 14
                                    

Rath



Hindi ko napigilang umiyak. Tulad ng dati, umaalis si Tori pag ganito ako. Gusto kong maging masaya ang tatlong araw namin ni Tori. Matagal kong hinintay ang ganitong pagkakataon. Pero 'yung sakit, gumagapang sa sistema ko.


Kinakain ako ng panghihinayang para sa aming dalawa. Nasa amin ang pagmamahal. We love each other so much. We fit together perfectly, but there are things that's just wasn't right.


Nagbalik-tanaw na lamang ako sa unang pagkikita naming dalawa...




Naglilibot ako sa campus sa huling araw ng pasukan. Graduating na ako sa kursong Business Management. Hindi ko gusto iyon kaya naman napakasaya ko na matatapos na ang mga boring na araw ng buhay ko dito bilang estudyante na BSBA.


Nakipagkasundo ako sa aking papa. Kukunin ko ang kursong gusto niya para sa akin at pagkatapos ko doon ay hahayaan niya ako na mag-enroll sa kursong gusto ko, Architecture.


I never imagine myself on the four corners of an office, wearing a corporate suit and reading business reports. I always wants to be an architect. Bring life to a simple structure, and design building that will suit the taste of the owner. And I want to design my dream house.


Pasipul-sipol ako habang naglalakad. Natamaan ako ng bola kaya naman uminit agad ang ulo ko. Madalas punahin ni Mama ang pagiging hot-tempered ko.


Lumapit sa akin ang isang babae, mga 5'6 ang height. Hindi siya member ng Tennis Club ng school namin dahil hindi siya naka-uniform. At nakakainit siya ng ulo dahil tatanga-tanga siya.


"Are you dumb, stupid or-" pabulyaw kong sabi sa kanya. Nag-angat ako ng mukha at napatulala nang makita ko ang mukha niya, "a goddess or an angel" nakatitig na usal ko. I am completely mesmerized by her beauty.


"Naku! sorry po. Hindi ko sinasadya, medyo napalakas lang ang hataw ko sa bola." nag-aalalang wika niya.


Tila nalulunod ako sa titig niya. Her beauty is more than what my eyes can see. It's weird, but I can feel something in her.

"No, no it's okay. Dito ka ba nag-aaral?" tanong ko sa mahinahon na tono. Nakatitig pa din ako sa kanya.


"Hindi po, isinama lang ako ng kaibigan ko dito." sabi niya habang nakatingin sa noo ko


Hindi ko maialis ang titig ko sa mukha niya. Para siyang anghel.


"Ah... drop the po, hindi pa naman ako matanda." nakangiting sabi ko sa kanya


"Okay, naku pasensya ka na ah. Nagkabukol ka pa tuloy." nakangiwing sabi niya.


"Huh?" ngayon ko lamang napansin na masakit ang noo ko. Para akong nakulam nitong diyosa sa harap ko. Napahawak ako sa noo ko. "Ouch" daing ko nang maramdaman ang sakit sa noo ko.

Persevered HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon