The Bitter Bitch She Is

21.4K 501 26
                                    

Patrice

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod ko.

I watch her back as she leave the area.

"In fairness ha, ang galing ng acting mo girl. Parang concern ka talaga sa anak mo." puri sakin ni Marian, isa sa tatlong kaibigan ko na kasama kong pumunta sa Davao.

Hindi ko sadya na makita sina Rath at Vicky kagabi na naglalakad sa may dalampasigan na mag-kahawak kamay. Kaya naman agad akong nag-plano ng paraan para mapaghiwalay sila. Ini-resend ko ang text ni Rian kay Rath noong isang buwan with the hope na ang magaling kong kapatid ang makabasa noon. Mukha naman nagtagumpay ako kaya nauna nang umalis si Rath sa hotel.

Magdiriwang na sana kami ng mga kaibigan ko kaya pumunta kami sa bar ng hotel. Nakita ko si Vicky at lalapitan ko sana siya para inisin. Pero unfortunately, ako ang nainis sa narinig ko. May anak pala silang dalawa.

What a lucky btch she is.

Hindi ko naman talaga gusto si Rath. Ginusto ko lang siya dahil mahal niya si Victoria. Ayokong may nagmamahal kay Victoria.

Ako lang dapat, ako lang dapat ang minamahal! Magkakambal kami ngunit magkaiba ang mukha naming dalawa. Marami ang nagsasabi na mas maganda ako. Mas mahal din ako ni papa at ng lahat ng kamag-anak namin. Dapat lang, dahil isang katutak na paninira ang ginawa ko sa kapatid ko.

Pero si mama, kahit kalian ay hindi ko naramdaman na mahal ako ni mama. Si Victoria lang ang nakikita niya, isang kristal ang turing niya kay Victoria. Kahit anong gawin ko ay hindi ako magawing mahalin ni mama gaya ng pagmamahal niya kay Victoria. Nang umalis si Vicky sa bahay ay ginawa ko ang lahat para mapasaya si mama, I even try to be like her. Pero lahat ng iyon ay bale-wala. Si Vicky parin ang hinahanap niya. And it irritates the hell out of me.

I became a rebel. Napabarkada ako at nalulon sa masasamang bisyo. I gone wild. Hindi ako nakatapos ng college. Nabuntis ako at ni hindi ko alam kung sino ang ama sa dami ng lalaking nakasama ko. I made a plan to lure Rath. I flirted with his friend Gab. Si Rath ang gusto kong makilalang tatay ng anak ko. It's like hitting two birds with one shot. Nakatakda na din kaming ikasal ni Rath para sa merge ng kompanya ng mga pamilya namin. Si Vicky sana ang ipapakasal ni papa pero lumayas siya. The irony of it, tinakbuhan niya si Rath, pero kay Rath parin siya bumagsak. My second purpose is to take away Rath from Vicky. Ayaw ko man aminiin, pero I'm insecure with my sister. I want all for myself.

Pinakiusapan ko si Gab na sabihin kay Rath na makipag-kita sa akin. Sinabi kong tutulungan ko siyang umurong sa kasal. Pero syempre, iba ang talagang pakay ko. Sinabi ko kay Gab na sabihin kay Rath na iintayin ko siya sa isang hotel no matter what.

Ten minutes nang late si Rath sa itinakda kong oras ng pagkikita namin. Kinakabahan na ako na baka hindi siya pumunta. Baka kasi eto na ang huling pagkakataon ko para maangkin siya.

At kailangan na mapaakin siya!

"I'm sorry I'm late." hinging paumanhin niya pag upo sa upuan sa harap ko.

"It's okay. Let's have our lunch?" tanong ka sa kanya. I try to imitate the way my sister act and talk. I hate doing this but I can't be myself now. Rath might walk out.

"Nakakain na ako e, coffee na lamang ang akin." nakangiting wika niya.

Guwapo si Rath. No doubt on that.

Tumango lang ako. At um-order na. Nagulat ako nang um-order din siya.

"Akala ko nakakain ka na?" Manghang tanong ko.

Persevered HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon