The Sound of Death

15.8K 367 31
                                    

This made me cry. 


Tori


Natatakot ako

Sobrang natatakot ako

Mag-iisang oras na pero wala pa ding sinasabi ang doctor.

"R-Rath..." kailangan kong maramdaman na may karamay ako

He held my hands firmly. "He'll be fine." mababanaag din sa boses ni Rath ang takot.

After a very long wait, the doctor faced us. I don't like his expression.

He took a deep breath. There was sadness written in his face. "I'm sorry..."

What? What does his 'I'm sorry mean?! What does he fcking mean by that?!

I want to shout at his face but I can't find my voice to shout

"Doc... d-don't say that" umiiyak na sabi ko. That was all I can manage

"Doc, b-bakit po?" malungkot na tanong ni Rath na lalong humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. Napatayo na din kami.

I look at my son. He's sleeping... again

"Hindi pa namin alam kung anong nangyari, he's okay and his records show that he's getting better. Hindi din malinaw sa amin kung bakit bigla-biglang humihina ang katawan niya." the doctors eyes show pity

"W-What do you mean?" nanghihinang tanong ko

"He's back into coma and I don't know kung magigising pa siya. Stable pa naman ang vital signs niya pero kung patuloy ang paghina ng katawan niya ay..." binitin niya pa. Alam ko kung anong sasabihin niya pero ayokong tanggapin. Hindi ko kaya, ni isipin lang ay hindi ko kaya.

"... hindi na siya magigising" pagpapatuloy ni Rath sa sinasabi ng doctor at nanghihina siyang napaupo.

"And worst, baka tuluyan na siyang mawala." patuloy pa niya. Wala ba siyang konsiderasyon? Kailangan ba 'yung sabihin?

"I admit na parang milagro lang ang biglaang paggising ng anak niyo, malaki ang napinsala sa kanya ng aksidente. Kaya naman... I'm sorry to say this, but in his current condition, there was a big possibility na bumigay na ang katawan niya." malungkot na sabi niya.

"SHUT UP!" sigaw ko sa kanya. Gusto ko na siyang sampalin.

Bakit ba kung anu-ano pang sinasabi niya?

Hindi pa ba sapat 'yung sinabi niyang coma na ulit 'yung anak ko?

Para na niya akong sinaksak n'on

Tapos dinagdagan niya pa na maaaring tuluyan na akong iwan ni Breth...

Para niyang pinapatay na din ako.

Sana hindi nalang siya nagsalita.

Napahagulgol na ako.

"I'm sorry" ayun lang ang sinabi niya at umalis na. Nagsialisan na din ang mga nurse. Ililipat din sa ICU si Breth.

Hinang-hina ako. Hindi ko alam kung kaya ko pa.

Isipin ko palang na mawawala si Breth sakin, para na din akong pinapatay.

Napaupo nalang ako sa sahig at niyakap ko ang mga tuhod ko. Iyak lang ako ng iyak. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko.

Persevered HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon