The Loyal Boyfriend He Is

22.5K 489 7
                                    

Ryan Rath Salcedo



"My Tori is gone." I said bitterly to myself. Pero hindi ko na mapigilan na balikan ang aming nakaraan. I feel happy doing so. Kasi kahit sa alaala, naging sobrang masaya ako. 'Yung saya na si Tori lamang ang nakakapagbigay.



First week na ng June. One month na kami ni Tori. Gusto kong sa isang school lamang kami mag-aral.


"Sige na Tori, mag-enroll na tayo." pangungulit ko kay Tori


"Naka pag-enroll na ko sa PUP." sagot niya. Nasa ecopark park kami at nagpi-picnic. This is her kind of date.


I pouted "Hindi mo naman gusto ang Accountancy di ba? Civil Engineering ang gusto mo. Wala ka lang choice dahil wala kang pang-enroll kaya sa PUP ka nag-aral at Accounting ang kinuha mo. Tss. Ako nalang ang magbabayad ng tuition fee mo, sige na baby, mag-enroll na tayo sa SRU." pangungulit ko


"Rath, alam mo naman na hindi ko tatanggapin yang offer mo. Girlfriend mo lang ako, hindi asawa." kinurot niya pa ang pisngi ko


"Ilan taon ka na ba?" tanong ko at yumakap sa kanya


"19" sagot niya


"Tss, pakasal na tayo." sabi ko sa kanya


"Ayoko nga, wala ka pa ngang sariling bahay at ni hindi ka pa nga kumikita ng sarili mong pera e." nakaingos na sabi niya


"Tss, edi ganito nalang. Let's have a deal. Magta-trabaho din ako tapos ayun 'yung pambabayad ko sa school mo." malambing na sabi ko sa kanya. I am really hoping na pumayag siya.


"Rath." pagtutol niya


"Then you can move in to my unit para makatipid ka ng rent. We can also avail scholarship para may discount ka na, matalino ka naman e." suhestyon ko pa


"Rathata" nakikiusap na sabi niya.


"I won't take no for an answer." paalala ko sa kanya


"Rath naman e." tutol pa din siya


I show her my puppy eyes. Nagtalo pa kami but in the end napapayag ko din siya kapalit ng isang katutak na kondisyon. Nag-inquire kami sa SRU the same day. Nakakuha siya ng free tuition fee. Pinayagan pa siya mag-take ng exam for scholarship dahil na din sa malaking impluwensya ng pamilya ko sa school. Napagkasunduan din namin na mag-pamember sa Community Service ng school para sa 25% discount sa miscellaneous fee sa school. Hindi ko kailangan yun kaya naman ibibigay ko din iyon kay Tori, na tinanggap naman nya dahil ako ang maghihirap para doon.

Persevered HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon