The Truth

25.8K 524 41
                                    

TORI

Agad akong lumapit kay Clement para kunin ang anak ko na mukhang nasasaktan na sa paraan ng paghawak niya. Yumakap sa leeg ko si Breth at nag-iiyak sa balikat ko. May hindi ako maipaliwanag na dadamin nang mayakap ko muli ang anak ko. Ang mapatunayan na buhay siya at makakapiling kong muli ay nakapagbigay ng pag-asa sa akin. Nang mahawakan ko siya ay rumagasa ang pagnanais ko na gawin ang lahat para maprotektahan ko siya sa pagkakataong ito.

Tama si Rath, kailangang unahin ang kaligtasan ni Breth.

"Teka muna, 'wag kayong magmadali" awat ni Raven sa pagkaladkad ni Clement sakin paalis sa lugar.

"Hayaan mo na kaming umalis, Raven! Naibigay ko na sa'yo ang napag-usapan natin, na sa'yo na si Rath, hayaan mo na kami ni Tori!" inis na sabi ni Clement.

"Sandali lang naman. Alam ko naman na gusto pang marinig ni Victoria ang buong kwento." nakangising sabi ni Raven

"Let me tell you the story, dear sister" maarteng sabi ni Patrice. Ang marinig muli ang boses niya ay nagpapaahon ng lahat ng poot sa katawan ko.

"Buhay ka pa palang demonyo ka" I coldly said "Pati ba sa impyerno sinusuka ka kaya hindi ka mamatay-matay?"

She smirk and gave me a deadly glare "Matapang ka pa rin? Tignan natin kung mapanatili mo 'yang ganyang ugali mo kapag narinig mo na ang buong katotohanan. Maging palaban ka pa kaya kapag nalaman mo na ang buong buhay mo ay palabas lang. Buong buhay mo ay may nagpapatakbo at nagdidikta ng bawat pangyayari." mayabang na sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Saan mo ba ako gustong mag-umpisa? Sa pagkakakilala niyo ni Rath o sa pagpapalayas sa'yo?"

Talagang naguguluhan na ako. They say truth will set you free, pero bakit sakin ay Truth will shatter me. Bakit parang mawawasak ang buong pagkatao ko ng katotohanang gusto kong malaman. Bakit feeling ko ay mas safe ako kaag hindi ko nalang aalamin ang katotohanan.

"Nang palayasin ka ng Papa ay araw-araw nakakulong ang pobre mong ina." umpisa niya. Ngayon palang ay gusto ko na siyang sampalin ng malakas. "After a month ay ipinadala na siya ng Papa sa mental, doon naman kasi siya nababagay" hindi ako nakakibo sa narinig ko. Nang mga panahon pala na hinahanap ko ang Mama at kinekwestyon ko siya kung bakit wala siyang nagawa para sakin ay naghihirap din siya. "After a year ay tuluyan na yata siyang nawala sa katinuan. That time, aksidenteng nagkakilala sila ni Rath"

Nagulat ako. So alam pala ni Rath ang lagay ng mama ko.

Naghihinalang tumingin ako sa asawa ko. Nakatungo siya at tila ayaw tumingin sa mga mata ko. "Alam mo?" nanghihinang tumingin ako sa kanya.

"Hindi" sagot ni Patrice "Hindi niya alam na ikaw ang anak na sinasabi ni Trinidad. Nalaman nalang niya nang ipakita ni Trinidad ang litrato mo. Pero hindi na niya sinabi sa'yo dahil ayaw niya na makabalik ka sa bahay. Naging makasarili siya, ayaw niya na mawala ka sa kanya."

"Hindi ko sinabi dahil iyon ang ipinakiusap ng Mama mo. Ayaw niya na bumalik ka pa dahil alam niyang hindi magiging maganda ang buhay mo sa mag-ama. Sira na siya at ayaw niya na pati ikaw ay masira. Nangako ako sa kanya na aalagaan at poprotektahan kita, Tori. Iniisip lang namin ang makakabuti para sa'yo" paliwanag ni Rath na nagmamakaawa ang tingin sakin.

Umiyak ako dahil iyon nalang naman ang magagawa ko. "Bakit hindi mo sinabi sakin kahit nang mawala na siya? Alam mo kung gaano ko siya hinanap, alam mo kung paano ako nangulila. Bakit hindi mo sinabi?" sumbat ko sa kanya. Napaluhod na ako dahil hindi ko na talaga kaya. Bakit pakiramdam ko pati si Rath ay nagtaksil sakin. I felt deceive by everyone.

"I'm sorry, Tori" pakiusap ni Rath

"He's no good for you, Tori. Halika na, sumama ka nalang sakin" sulsol naman ni Clement

Persevered HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon