The Secretary Who Brought Trouble

23K 527 8
                                    

Rath


Isang linggo na ang nakakaraan nang makita ko ang anak ko. Nami-miss ko na siya. Noong hindi ko pa alam na anak ko si Breth at hindi ko pa nakikita ang buong mukha niya, hindi na mawaglit sa isip ko ang berdeng tsokolate na mga mata niya. Ngayong alam ko na ang lahat, hindi na mapalis sa mga labi ko ang ngiti. Ganado ako na magtrabaho knowing na pag balik ng mag-ina ko ay magkakaroon na ako ng buo at masayang pamilya. Handa akong gawin ang lahat para lang magpakasal sakin ulit si Tori. Kung kinakailangan na ligawan ko ulit siya, gagawin ko.


Tinawag ko ang bago kong sekretarya sa intercom. "Marian, please come in."


Agad namang pumasok ang babae. Kumekendeng ang kanyang bewang sa bawat paglakad at sumusunod ang kanyang unat na buhok. 


Sa totoo lamang ay nagtataka ako kung bakit pagiging sekretarya ang pinasok nitong linya. Maganda ang mukha niya at pamatay ang katawan. Pasok na pasok siyang maging isang modelo. Maganda rin ang unat at itim na itim niyang buhok.


Siya ang pumalit kay Mely sa trabaho. Pangatlong araw palang niya ngayon. Halatang hindi siya sanay sa ganitong trabaho pero napilitan ako na i-hire siya dahil nagmamadali na si Gab na tumigil sa pagtatrabaho ang asawa.


Masama ang kutob ko. Parang wala akong tiwala sa babaeng 'to. Pakiramdam ko ay may binabalak siya. Hindi ko alam kung praning lamang ako, pero pakiramdam ko ay inaakit niya ako.


"Yes, Sir?" maarteng tanong niya.


Napatingin ako sa kabuuan niya. Nakasuot siya ng palda na halos dalawang dangkal lang ang haba. Ang blouse na suot niya ay bukas ang unang tatlong butones mula sa taas. Masyado din manipis ang tela kaya nakikita ang black n'yang bra. Napakahaba din ng mga kuko niya na kulay pula. Kung ako ang tatanungin, mas mukhang sa club siya nagtatrabaho kaysa sekretarya.


"Sir?" malanding sabi niya at nang mapatingin ako sa mukha niya ay kagat pa niya ang ibabang labi niya.


Napasimangot ako. The older version of me would appreciate her flirting, but a husband and a father in me wants to throw her off my office.


"Give me my schedule for the week." I coldly said.


She seductively look at me. Kinunutan ko lamang siya ng noo. 


"Just a sec, Sir Rath" maarteng sabi niya pa.


Lumabas siya and it took her thirty f*cking minutes before she returned.


"Here, sir" inabot niya sa akin ang isang folder. Lumapit siya sa lamesa ko at exaggerated na tumungo. Parang sadyang ipinakita sakin ang malulusog niyang dibdib.


Pakiramdam ko ay sumasakit na ang ulo ko. Kung hindi ko lamang kailangan ng secretary ay sisisantihin ko na ang isang 'to. 


Pero kung ganito lamang din naman, baka mas madali ang wala na lamang na secretary kaysa sa makunsume sa isang 'to.

Persevered HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon