The Game of Chess

16.7K 407 18
                                    

TORI


Pumasok si Lisa sa opisina ko dala ang mga pagkaing ipinabili ni Rath. May bouquet of tulips pang kasama!

"Miss Tori, ipinapabigay po ni sir Rath." nakangiting sabi ni Lisa at inabot sakin ang mga bulaklak. Iniligpit na niya ang mga gamit sa lamesa ko at inayos d'on ang mga pagkaing dala niya.

I smile sweetly as I read the message in the card. Hand-writing 'yon ni Lisa.


To the most stubborn woman,

How many times do I have to tell you not to skip your meal?!

I love you, my Tori

PS: Si Lisa ang nagsulat pero ako ang nagsabi ng isusulat niya

#IWillBeHomeTomorrow #PakabusogKayoNiBaby

Love your Hunk Husband,

Rath :*


Natatawa ako sa mga nakasulat. Pero kinikilig ako

"Lisa" tawag ko sa pansin niya

"Ma'am?" nakangiting baling niya sakin

"Si Rath talaga ang nagsabi ng mga 'to?" natatawang tanong ko

Natawa siya. "Opo"

"Pati 'yong hashtag?" manghang tanong ko

She chuckled. "Opo. Bagets na bagets nga po kayo"

Natawa nalang ako. Ibinalik ko na ang card sa bouquet.

"Sabayan mo na akong kumain, Lisa. Si Joy ba kumain na?"

"Tapos na pong kumain si Joy. At sinabihan po ako ni sir na sabayan kayo kumain para masigurado na madami kayong makakain. I-video ko pa nga daw po e. Napaka-sweet talaga ng asawa mo, Ma'am" kinikilig na sabi niya.

I felt proud. I smile.

"Kumain nalang tayo" natatawang sabi ko.

Magana kaming kumain at nagkwentuhan ng ibang bagay maliban sa concerns ng FE. Napakadaldal ni Lisa kaya naman inabot kami ng lagpas isang oras sa pagkain dahil naikwento na yata niya ang buong buhay niya sakin.

Matapos kumain ay tumayo muna ako at tumanaw sa labas ng bintana para magpababa ng kinain.

I'm thinking for my next move.

Para lang akong naglalaro ng chess ngayon sa takbo ng mga pangyayari sa negosyo ko. Nagbabanta silang kainin ang reyna ko, kaya naman kailangan kong i-check ang king nila para hindi ako matalo.

I have to play this game wisely. I have to make some sacrifices. Because in one wrong move, I'll be doomed. Kailangan ko silang maunahan. Kailangan kong itaas ang depensa ko para kahit may makain sila sa piyesa ko, mababawian ko sila.

They can never outsmart Victoria Fontanilla Salcedo. I can't let them.

I'm in the middle of a deep thinking when James knock on the door.

"Come in" tipid kong sabi at umupo sa isang upuan sa may coffee table sa isang gilid ng opisina ko.

"I have all the informations that you need." kaswal na sabi ni James

Persevered HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon