Prologue- Meet Oreo

10 0 0
                                    

"Shien!!" napalingon ako kay Leo ng sumigaw siya at patakbong lumapit sa akin. Kanina lamang ay tahimik akong gumagawa ng assignment tapos bigla na lang siyang sisigaw.

"Ano?" tanong ko sa kaniya ng makalapit siya sa akin at hinihingal na umupo sa bangkuan niya.

"May transferee!!" sigaw niyang muli dahilan para mapatingin sa amin ang iilan sa mga kaklase ko.

"Pshsh, ano naman?" pagtataray ko sa kaniya at ibinaling muli ang atensyon sa assignment ko dahil kapag hindi ko ito naipasa mamaya ay baka maging dahilan pa iyon para bumaba ang grado ko at magagalit sa akin si Mommy at Dad.

"Baka mamaya pag nakita mo'yon ma-in love ka ha" nanunuyang saad niya. Pinaningkitan ko siya ng mata dahil kung ano-ano na namang pumapasok sa isip niya.

"Never!" sigaw ko dahilan para mapatakip siya ng kaniyang tenga at napangiwi.

Louisse Leorh Salvador, isa siya sa mga SSG pero ang lambot niya kumilos. Ako lamang ang nakakaalam na isa siyang bakla o sadyang gano'n lang siya kumilos kase kapag kumalat sa buong campus ang tungkol sa identity niya ay maraming tao ang pag-uusapan siya. Ang mga magulang niya rin ay may malaking hawak na shares sa school o campus na pinapasukan ko kaya naman mayaman ang mga Salvador.

"Ayan na siya!!" tili ni Leo at saka itinuon ang pansin sa unahan. Tumitig muna ako saglit sa kaniya bago ituon ang pansin sa sinasabi niya.

Halos mapanganga ako ng makita ang isang mestizong lalaki at umupo siya sa katabi kong bangko.

Titig na titig parin ako sa lalaking iyon na ngayon ay nagbabasa ng libro.

"Baka matunaw yan" halos malunok ko ang sarili kong laway ng bumulong si Leo. Ibinaling ko ang tingin sa kaniya bago nagsalita.

"Ano?" i mouthed. Ngumiti siya sa akin bago umiling at itinuon ang pansin sa harapan. Bumuntong hininga muna ako bago naisipang ipagpatuloy ang pag gawa ko ng assignment, hindi narin naman ako ginulo ni Leo at napaka tahimik niya.

Ilang minuto ang lumipas bago ko natapos ang takdang aralin ko at sakto naman ang pagpasok ni ma'am kasama si Zophi ang President ng classroom namin. Hindi ko rin pala namalayang naandito na halos ang lahat ng kaklase ko.

Agad na dumiretso si Ma'am Casnova sa table niya at kinuha ang class record. Inayos niya muna ang salamin niya bago pinasadahan kami ng tingin habang si Zophi naman ay umupo na rin sa upuan niya.

"Absent Ms. Ramos?" kapag nag tanong si Ma'am Casnova noon ay alam na naming si Eliana ang tinatanong niya dahil ito ang sekletarya.

Inilibot ni Eliana ang tingin niya sa classroom at napahinto ito ng tumingin siya sa akin....mali sa katabi ko pala.

"Ma'am may transferee po" turo ni Eliana sa katabi. Nagsitinginan ang mga kaklase ko sa akin.. sa katabi ko na ngayon ay walang imik.

"Mr. Introduce yourself" tanging saad ni Ma'am at ibinalik ang atensyon niya sa class record.

Tumayo ang katabi kong tranferee at bago siya lumakad patungo sa harapan ay tumingin siya sa akin.

Iniiwas ko ang aking tingin at nagkunwaring hindi iyon nakita. Tumingin ako kay Leo na nakabusangot ang muka, siguro ay nakita niya na tumingin sa akin si Transferee at may gusto siya dun.

Akmang tatawagin ko si Leo para tanungin kung bakit gano'n itsura niya ng magsalita iyong transferee.

"Good Morning...My name is Oreo Jace Fuentes and I am 17 years old" pagpapakilala nito at saka bumalik na ulit sa upuan niya. Sabagay nasa high school pa lang kami kaya ganon ang edad niya, 17.

Oreo?diba cookies yun?weird....

Kaibigan (Completed)Where stories live. Discover now