Chapter 14- Shien

0 0 0
                                    

Third person point of view:

Napabalikwas ng bangon si Shien at laking gulat niya ng tumambad ang isang Oxygen at may kung anong nakalagay sa mukha niya.

Inilibot niya ang kaniyang paningin sa silid at nagtaka dahil isa itong hospital room.

"Bakit ako nandito?"bulong niya sa sarili.

Napalingon na lamang siya ng bumukas ang pintuan at iniluwal noon ang isang lalaking naka amerikana at nag-aalalang nakatingin sa kaniya.

"Shien..."usal ng lalaki.

Ilang minuto bago nabalik sa reyalidad si Shien dahil titig na titig siya sa lalaki. Ibang iba ito at halos hindi niya na makilala.

"Leo...."mahinang bulong niya. Ngumiti sa kaniya si Leo bago siya nilapitan at ginulo ang buhok niya na laging ginagawa ng binata noong high school pa lamang sila.

"Bakit...ako nandito?"naguguluhang tanong ni Shien kay Leo. Ngumiti muna sakaniya si Leo ngumiti kita sa mga mata nito ang lungkot.

Napalingon ang dalawa ng bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang doctor.

"Ahm Ms. Cuyos" panimula ng doctor. Kunot noo namang tumingin si Shien sa Doctor.

"Nasabi mo na ba kay Ms.Cuyos ang kondisyon niya?"tanong ng doctor kay Leo.

Nagsisimula ng pumatak ang luha ni Leo pero pinilit niyang ngumiti at umiling.

"Kung ganon, Ms. Cuyos I'm sorry to say this but..."sa mga oras na ito ay puno ng kaba ang puso ni Shien dahil sa reaksyon ni Leo pati na rin ng Doctor.

"May butas ang puso mo, Ms.Cuyos" nalulungkot na ani ng Doctor at gulat namang tumingin si Shien sa sarili niya at kasabay non ang pag-buhos ng luha niya.

"Doc hindi, prank lang to diba?"ngunit umiling ang Doctor kaya napahagolgol si Shien na agad naman siyang niyakap ni Leo at pilit na pinapatahan.

"L-Leo.."

"Hshs andito ako Shien, hindi kita iiwan"

"L-Leo..."

"I'm here, Shien. I'm here"

Humagolgol lamang ng iyak si Shien habang pinapatahan siya ni Leo. 'Paano na si Mom and Dad?ayoko na silang bigyan pa ng problema'

Ano kaya ang posibleng mangyari kay Shien?makakayanan ba niya ito o....

Kaibigan (Completed)Where stories live. Discover now