Chapter 7- I think I like him

0 0 0
                                    

"Shien...hatid na kita sa inyo" aya sa akin ni Oreo habang sabay kaming naglalakad palabas ng campus.

Saglit akong tumingin sa kaniya bago ngumiti.

"Sige!"masayang pag-payag ko at nag-simula na kami muling maglakad, medyo pagabi na rin dahil nag-practice pa kami kanina ng graduation.

Ang bilis talaga ng panahon parang kailan lang masungit sa akin si Oreo pero ngayon mag-kaibigan na kami.

Speaking of Leo, ng matapos kase yung pinapanood namin ay umuwi na agad kami, ang sabi pa niya ihahatid niya na raw ako dahil gabi na pero hindi naman ako pumayag baka kase hinahanap narin siya ng mga magulang niya.

Patuloy kami sa paglalakad ni Oreo dahil malapit lang naman ang bahay ko at madilim na rin.

"Shien sa tingin mo ba magkakaroon tayo ng honor?"biglaang tanong ni Oreo.

"Sa tingin ko naman meron" saad ko at nagpatuloy sa paglalakad.

"Alam mo Shien, ang cool mo kasama"biglaang saad ni Oreo dahilan para tingnan ko siya at ngumiti.

"Syempre ako pa" natatawang ani ko sa kaniya.

Sa tingin ko....gusto ko na si Oreo.

Masaya siyang kasama at higit sa lahat unti-unti na akong nahuhulog sa kaniya...
.......

Leo's Point Of View:

Malalaking hakbang ang aking ginawa palabas ng campus.

Hindi ako mapakali at nais ko ring ibigay kay Shien ang regalo ko para sa kaniya dahil malapit ng matapos ang school year.

Patakbo akong hinanap si Shien sa paligid ngunit wala siya at naisipan kong naglakad na naman siya pauwi.

Lagi niya iyong ginagawa, maglalakad pauwi kaya kung minsan ay sinasabayan ko siya.

Nang makita ko ang nakatalikod na babae at naka-uniporme ay agad akong tumakbo dahil alam kong si Shien iyon.

Nakangiti akong tumakbo patungo sa kaniya ngunit napatigil ako ng...

Makita kong may kasama siyang lalaki at mukang nagtatawanan sila..

Si Oreo.

"Shien!"natatawang saad ni Oreo at napatawa na rin si Shien.

Napa-atras na lamang ako ng makitang masaya silang dalawa..

Kitang-kita ko ang saya sa mga mata ni Shien habang naglalakad sila ni Oreo...

Paano ko ba.....

Bakit....

Bakit ba ang sakit?bakit pakiramdam ko sumisikip ang aking dibdib...

Silently admiring her from afar while she's admiring someone else..and that someone would never be....

Me...

Kaibigan (Completed)Where stories live. Discover now