Chapter 8- Leo's Point Of View

0 0 0
                                    

Basang-basa ako ng ulan habang tumatakbo papunta kay Shien, inaya ko siya kanina na sumabay na sa akin pero tumanggi siya at nakita ko ang pag-sugod niya sa ulan. Ang sabi niya ay may dala siyang payong ngunit wala naman talaga.

Napatigil ako sa pagtakbo ng makita ko si Shien na sinisintas ang sapatos niya. Kahit kailan talaga.

Akmang lalapitan ko na siya ng maunahan ako ni Oreo, pinayungan niya si Shien.

Itinago ko na lamang ang payong na dala ko para sana kay Shien, mukhang huli na ako.

Tumayo si Shien at nakatitig parin siya kay Oreo. Nagsalita si Oreo pero hindi ko ito narinig dahil masyado akong malayo sa kanila.

Umalis na lamang ako at hindi na pa nag-abalang puntahan si Shien dahil mukhang maayos na naman ang kalagayan niya.

Basang-basa akong bumalik sa sasakyan ko at umuwi na lamang kahit hindi maalis sa aking isipan ang kanina..

........

Naka titig ako ngayon kay Shien at Oreo na masayang naglalaro ng basketball sa Arcade.

Nabanggit sa akin kanina ni Shien na may pupuntahan sila ni Oreo kaya naman sinundan ko siya.

Masaya sila....parehas silang masaya..

Lagi ko na lamang siyang pinapanood mula sa malayo, umaakto akong bakla para mapalapit sa kaniya.

........

Nakahiga ako ngayon sa kama ko at iniisip ang nangyari kanina...ang mga nasaksihan ko..si Shien at si Oreo.

"Ahh!!"sigaw ko dahil hindi ko na alam ang gagawin. Why does it hurts?

Napasambunot na lamang ako sa aking buhok dahil gulong-gulo na ako..

Ang sakit sakit na....ayoko na..ayoko ng maramdaman ito!

Ayoko ng magkaroon ng nararamdaman para sa kaniya dahil sobrang sakit na..

Hindi ko namalayan ang pagpatak ng aking luha dahil sa mga iniisip ko.

Naisipan ko rin natawagan si Shien at magkunwaring hindi nakita ang kanina..

"Shien" i uttered.

"Oh Leo..nakigamit lang ako kay Mommy ng phone, bakit parang iba boses mo?"napangiti na lang ako ng marinig ang boses niya..kahit boses niya na lang ang aking marinig..

"Shien...magkita tayo" ramdam ko naman ang pagka-bigla niya.

"H-ha?"bulol niyang saad "haha sige" aniya na at nagkunwaring tumawa.

"Bye" pagpapaalam ko at saka ibinaba ang tawag.

Handa na akong mag-confess sa kaniya...handa na akong sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko...at....handa na rin akong masaktan at tanggapin ang desisyon niya...

........

Kasalukuyan akong nag-iintay kay Shien sa may plaza at lumilinga sa paligid, medyo madilim na rin.

"Leo!"napalingon ako sa tumawag sa aking pangalan...si Shien

Ngumiti ako sa kaniya ng mapait bago lapitan siya.

"Leo....alam mo ba na gabi na! Tapos pinapunta mo pa ako" inis na saad ni Shien, napatawa na lamang ako sa inasal niya. Kahit kailan talaga para siyang bata.

"Shien may sasabihin lang ako" mahinahon kong saad sakaniya.

"E dapat sa ph—"

"Shien...gusto ko sa personal" pag-putol ko sa sinabi niya.

Nakita ko naman ang pag-irap niya sa akin na siyang ikinatawa ko.

Inaya ko siyang pumunta sa isang tahimik na lugar.

"Leo...may sasabihin pala ako" napatigil ako sa paglalakad ng magsalita si Shien. Tiningnan ko naman siya ng may pagtataka.

"Alam mo ba...."napahinto siya "Gusto ko na ata si..." parang kinakabahan siya pero alam ko naman kung sino ito...si Oreo.

"Oreo" aniya at nahihiyang ngumiti sa akin. Ngumiti ako sa kaniya ng mapait bago nagsalita.

"Alam mo Shien..."

"Gusto kita" diretsahan kong saad. Ayoko ng magpatumpik-tumpik pa dahil kahit naman umamin ako ay alam kong wala paring pag-asa.

"Hoy Leo! Joke na naman yan no!"sigaw niya at parang hindi naniniwala.

Nginitian ko lamang siya bago muling nag-patuloy sa pagsasalita.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay at gulat parin siya sa mga ikinikilos ko.

"Gusto kita.....pero alam kong may gusto kang iba at...si..s-si O-Oreo yon diba?" nanatiling tahimik si Shien at walang imik. Hindi ko narin namalayan ang likidong umaagos sa aking pisnge.

"Leo..." mahinang bulong niya.

"I already accepted everything but why do i still feel the pain?"

"Alam mo bang tanggap ko na?Alam mo ba na.....mahal na kita pero....ang sakit lang Shien kase may iba kang gusto! Sa tuwing nakikita kitang kasama siya sumisikip ang dibdib ko..."

"Leo.."

"Ang s-sakit sakit na..S-Shien"nanginginig ako sa pagbigkas ng mga salitang iyon.

"Masyado na kitang mahal para masaktan ako ng ganito Shien.....mahal kita pero.....hanggang tingin na lang ako sa inyong dalawa" ngumiti ako sa kaniya ng mapait bago ginulo ang buhok niya.

"Mag-iingat ka Shien.....sana...mahalin ka rin niya at kapag sinaktan ka niya sabihin mo lang sa akin...nandito ako Shien...Sana mapansin mo rin ako.." huling salitang binigkas ko bago tuluyang umalis.

Tapos na.....iiwasan niya na ako....

____

A: #SanaMapansinMoRinAko

Kaibigan (Completed)Where stories live. Discover now