Chapter 9- Invite

0 0 0
                                    

Shien's Point Of View:

Nakatulala ako habang naglalakad at hindi ko na rin pa iniisip ang mga taong nakakasalubong ko.

"...Sana mapansin mo rin ako" paulit-ulit na nag-eecho ang salitang iyon sa utak ko.

Hindi ko alam kung paano ako makaka-recover mula sa rebelasyon ni Leo.

Dinala ako ng aking mga paa sa bahay ni Oreo, nagtataka akong tumingin sa paligid at wala ng masyadong tao.

Naisipan kong mag-doorbell, gusto kong makita si Oreo....

Ilang minuto na akong nakatayo at hinihintay na bumukas ang pinto pero wala pa rin....siguro tulog na siya masyado ng malalim ang gabi.

Tumalikod na ako at akmang aalis ng narinig ko ang pag-bukas ng pinto kaya agad akong lumingon.

"Shien..."antok akong tumingin kay Oreo at saka umiyak na parang bata.

"Oreo" agad akong tumakbo patungo sa kaniya at niyakap siya. Gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko.

Masyado na akong naguguluhan.

"Shien.." tawag niyang muli at isiniksik ko ang aking mukha sa leeg niya at doon humagolgol ng iyak.

"L-Leo...."saad ko habang umiiyak, gusto kong mag-sorry kay Leo dahil nasasaktan ko na pala siya...gusto kong mag-sorry dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya sa akin.

"Tahan na Shien."saad ni Oreo at hinagod ang likod ko.

Sorry Leo....

.......

Abala ako sa pagsusulat ng kung ano-ano sa notebook ko at kasama na rin ang pagdradrawing ng cute na pusa.

Sabado ngayon kaya walang pasok at buti na rin siguro iyon para makapag-isip ako ng maayos at hindi ko kayang harapin si Leo.

"SheShe!"sigaw ni Ate Shin. Napabuntong hininga muna ako bago itigil ang akin ginagawa.

"Ano yun?!"sigaw ko pabalik.

"Bumaba ka daw dito sabi ni Mommy!"agad naman akong bumaba at nakita si Mom, Dad at Ate na naka-upo sa sofa. Ano kaya meron?

"Anak" saad ni Daddy at umupo naman ako sa katapat nilang sofa.

"She.. birthday ko na sa tuesday kaya maghahanda tayo at invite mo rin si Leo ha"

"Pati na rin si Oreo" dagdag ni Mommy. Takang tumingin si Ate Kay Mommy at pati na rin saken.

"Oreo?"takang tanong niya.

"Ay nako, ikaw kase Shin puro ka gala hindi mo tuloy nakilala iyong bagong kaibigan ni Shien. Si Oreo yung classmate niya ang gwapo ngang bata e" animoy kinikilig na sabi ni Mommy. Napailing na lamang si Daddy bago sumimsim ng kape.

"Talaga?Gwapo?baka naman Shi—"

"Ate wag mo ng subukan" pag-putol ko sa sasabihin niya.

Napasimangot na lamang siya na ikinatawa namin.

"Ah basta" saad ni Ate at saka tumayo at nagpaalam sa amin.

Napa-isip ako kung iimbitahan ko ba si Leo dahil naiilang na ako sa kaniya matapos ang nangyari kagabi.

"She.."napatingin ako kay Daddy ng magsalita siya.

"May iniisip ka ata, Anak" dagdag ni Mommy.

"Iniisip ko po kase kung ahm" hindi pa alam ni Mom at Dad ang tungkol sa nangyari kagabi at wala na rin ako g balak ipaalam.

"Wala po" saad kong muli at ngumiti sa kanila ng pilit.

Tumayo na rin ako at nag-paalam na may gagawin pa pero sa totoo lang mag-iisip ako sa magiging desisyon ko kung iimbitahan ko si Leo. Birthday naman ni Ate iyon kaya wala naman sigurong mawawala kung iimbitahan ko siya diba?

____
A: #LeoNakakaawaKa

Kaibigan (Completed)Where stories live. Discover now