Chapter 3- Friends

2 0 0
                                    

"Mom! Aalis na po ako" pagpapaalam ko kay Mommy at saka lumabas na ng bahay.

Pumara muna ako ng masasakyan bago hinigpitan ang hawak sa cellphone ni Oreo.

"Oreo!!" sigaw ko habang nakangiti kay Oreo na takang nakatingin sa akin.

"Cellphone mo" abot ko sa kaniya ng kaniyang cellphone at umupo sa upuan ko.

Hindi ko parin maalis ang ngiti ko sa labi at hindi ko rin alam kung bakit.

Saglit akong lumingon sa upuan ni Leo pero wala pa siya. Naisipan kong makipag-kaibigan kay Oreo dahil sa nangyari kahapon at sigurado akong magiging mabuti siyang kaibigan.

"Oreo, huy" kinalabit ko siya para makuha ang kaniyang atensyon dahil busy siya sa pagbabasa.

"Ano yun?"tanong niya.

"Ano.." naaalinganin pa ako "gusto mo sabay tayo mamaya sa lunch?" saad ko at saka ngumiti.

Saglit siyang natigilan at parang nag-iisip ng sagot niya.

"Sige" sagot niya sa akin saka ngumiti. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ngumiti.

"Ayos!" nag thumbs up pa ako sa kaniya na siya namang ikinatawa niya, siguro muka akong bata pero minor naman ako e.

Ang saya lang isipin na nagiging close kami sa isa't-isa siguro lang ay hindi naman talaga siya masungit at cold, baka sadyang mahiyain lang.

__
Napakalaki ng ngiti sa aking labi dahil Kasama ko ngayon si Oreo na kumakain ng lunch habang ang ibang babae ay tinatarayan o kaya naman pinagbibilugan ako ng mata.

Inggit.

"Oreo" masaya at nakangiti parin ako pati sa pag-banggit ng pangalan niya.

"Hmm?" aniya at saka sumubo ng kanin at ulam.

"Pwede makipag-kaibigan?" tanong ko sa kaniya. Napalunok siya bago uminom ng tubig at saka tumingin sa akin ng seryoso.

"A-a, d-di bale na" nahihiya akong ngumiti sa kaniya at pasimpleng sumubo ng pagkain. Nakakailang parin kahit na nakasama ko siya kahapon.

Hindi mawala sa aking isipan kung bakit ko ginawa iyon, hinahanap rin ng aking mata si Leo pero parang hindi siya pumasok. Ano na kaya nangyari sa lalaking 'yon?

Natapos akong kumain ganon narin si Oreo at nanatiling wala kaming imik sa isa't-isa matapos yung tinanong ko kanina.

Dapat kase hindi ko na lang tinanong!
__
Buong maghapon lang ang klase at kung tatanungin kung nasaan si Leo?ang sabi ng guro ay may sakit raw ito. Tungkol naman kay Oreo hindi kami nagpansinan parang pataasan ng pride lang.

Naglalakad ako ngayon papalabas ng campus at nakatulala dahil sa ang sama ng araw ko ngayon ng biglang..

"Shien!" napalingon ako sa sumigaw at laking gulat ng makita ko si Oreo, mukang hinihingal.

"H-ha?" wala sa sarili kong tanong. Agad na lumapit siya sa akin at saka hinawakan ang magkabilang braso ko.

"Tungkol sa kanina..."tumigil pa siya saglit "Pwede tayong maging mag-kaibigan, Shien" hinihingal na aniya.

"H-ha?" hanggang ngayon ata ay lutang at lumilipad parin ang isip ko. Napabuntong hininga siya bago nagsalitang muli.

"Gusto kita maging kaibigan, Shien" may diin na sabi Niya kaya natauhan ako at napalaki ang mata ng sabihin niya iyon.

"T-talaga?!" halos hindi ko makapaniwalang saad at saka pinipilit itago ang aking ngiti.

"Oo" prenteng saad niya bago ngumiti sakin.

Napatalon ako sa saya at napahiyaw pati narin napayakap ako sa kaniya sa sobrang saya.

"Friends na kami ni Oreo!" sigaw ko at tumawa lang siya.

"Hoy walang bawian ha" pabiro kong ani at saka hinampas ng mahina ang balikat niya.

"Oo naman"

Kaibigan (Completed)Where stories live. Discover now