Chapter 11- Jealousy

0 0 0
                                    

"Happy birthday Kezhi Shin Cuyos!"masayang sigaw ni Mom at Dad ganon narin ako. Birthday na kase ni Ate at nakapag-handa na rin kami ng handa. It's 6:00pm kaya naman mag-gagabi na ng maghanda kami. Wala pa rin si Leo at Oreo na siyang ikinalungkot ko pero dapat masaya ako dahil birthday ni Ate.

Nagsimula na akong mag-sandok ng carbonara at kumuha narin ako ng chicken stick ng may kumatok sa pinto.

"Ako na" saad ni Mommy kaya naman nag-patuloy ako sa pagkuha at agad na sumubo ng maraming carbonara.

Dumiretso ako sa may sofa at punong-puno ng carbonara ang bibig ng..

"Happy birthday Ate Shin" napalingon ako sa nagsalita at hindi nga ako nagkakamali...si Leo.

Nakangiti siyang tumingin sa akin at ngumiti ako sa kaniya saka ko naalala na marami pala akong carbonara sa bibig.

"Hoy She, bibig mo"singit ni Mommy kaya agad kong nginuya ang kinain ko.

"Oh iho kumain ka muna" aya ni Dad at tumango naman si Leo bago nag-sandok.

Nakatitig lamang ako kay Leo habang ngumunguya ng bumulong si Ate Shin.

"Si Leo ba gusto mong kainin She?"natatawang aniya. Sinamaan ko naman siya ng tingin bago muling kumain.

Ilang minuto ang nakaka-lipas ng may kumatok muli sa pintuan at dahil malapit na akong matapos sa pag-kain ay ako na ang nag-bukas ng pinto.

"Oreo!"tili ko ng makita si Oreo, may dala siyang maliit na box.

"Shien" aniya.

"Pasok ka" saad ko at saka ngumiti sa kaniya.

"Oh ikaw pala Iho" saad ni Mommy, tumingin naman ako kay Leo na tahimik na kumakain at hindi manlang tumitingin sa amin. Nakita ko namang lumapit si Ate at saka nakangiting tumingin kay Oreo.

"I-Ikaw ba si O-Oreo?"tanong ni Ate. Ngumiti muna sa kaniya si Oreo bago sumagot.

"Ah opo" magalang nitong saad at tumawa naman si Ate.

"Ano ka ba hindi mo na kailangan mag po" natatawang aniya. Tumawa na lang ng peke si Oreo at ako?katabi ako ni Oreo

Lumipas ang ilang oras ng pagkwekwentuhan ni Oreo at Ate mukang magiging close pa ata sila.

"Alam mo Oreo, bagay tayo" seryosong saad ni Ate at namula naman ang pisnge ni Oreo. Ano yun?

Kanina pa umalis si Leo at si Mom and Dad naman ay umalis dahil ibibili raw nila si Ate ng ukulele.

Kaming tatlo na lamang ang natira rito sa salas at si Oreo pati Ate ay nagkwekwentuhan napapansin ko rin na laging namumula ang pisnge ni Oreo. Napabuntong hininga na lamang ako bago tumayo dahilan para mapatigil sila sa kanilang pag-kukulitan at tumingin sa akin.

"Aakyat na ako" bad mood ako!

"Oh sige She, ako na bahala kay Oreo" may ngisi sa labing saad ni Ate.

"Bye" saad ni Oreo. Napairap na lamang ako sa kawalan at umalis na doon. Naiirita ako na naiinis dahil laging magka-usap si Ate at Oreo, parang mas close pa sila.

Padabog kong sinaraduhan ang pinto at padabog na pumunta sa kama.

"Ahh!"sigaw ko sa inis. Bakit ba ako naiinis?

Napalaki ang mata ng mapagtanto...

"Am I jealous?"mahinang bulong ko sa sarili at tinakpan ang aking bibig.

J-jealousy?!

Kaibigan (Completed)Where stories live. Discover now