Chapter 15- Letting him go

1 0 0
                                    

"Oreo!" tawag ko sa aking kaibigan at saka tumakbo papalapit sa kaniya.

"Sigurado ka na bang liligawan mo si Ate Shin?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin bago maglakad at ganon narin ako, sinabayan ko siya sa paglalakad.

"Shien, sigurado na ako sa nararamdaman ko para sa kapatid mo" saad niya. Napatango-tango na lang ako at saka sabay kaming naglakad papalabas ng campus.

I'm Shien Cuyos at may kaibigan ako na si Oreo Jace Fuentes. Matagal ko ng gusto si Oreo pero ang problema lang ay gusto niya ang kapatid ko.

It all started nung birthday ko. Ipinakilala ko siya kay Mommy at Dad pati narin kay Ate, noong una naiilang siya pag-dating sa Ate ko kase binibiro niya ito na ang gwapo at mestizo niya bagay raw sila.

Unti-unti kong napansin simula nung araw na 'yon ay laging bumibisita si Oreo sa bahay hindi para sa akin kundi para kay Ate. One day habang naglalaro kami ng online game umamin siya sa akin na gusto niya si Ate, masakit man para sa akin ay Wala na akong nagawa kundi ang suportahan siya sa gagawin niyang pangliligaw kay Ate. Araw-araw niyang tinatanong kung ayos lang ba si Ate Shin, kung minsan pa nga e magpapasama siya sa akin papunta sa building ni Ate.

Ako yung nag-silbing tulay nila.

"Shien" napatigil ako sa pag-iisip ng tawagin ako ni Oreo.

"Ano yun?" tanong ko sa kaniya.

"Sa tingin mo ba magugustuhan ng Ate mo yung tulips? Ikaw mamili Tulips or Rose?" tanong niya sa akin at saka ipinakita ang isang bouquet ng tulips pati narin rose.

Hindi ko namalayan na naandito na pala kami sa bilihan ng bulaklak. Ngumiti ako sa kaniya kahit sa kaloob-looban ko ay nasasaktan na ako.

"Mas maganda yung ikaw ang pipili kase diba, ikaw magbibigay?" saad ko sa kaniya. Napaisip-isip pa siya bago tumango.

"Tulips symbolize a Perfect love while roses symbolize love and romance" ani ko at saka ngumiti sa kaniya.

"Hindi ko siya kayang bigyan ng perpektong pagmamahal pero gagawin ko ang lahat at mamahalin ko siya sa abot ng makakaya ko, Salamat Shien kung 'di dahil sayo baka wala akong pag-asa sa Ate mo" aniya. Kinuha niya ang bouquet ng Rose at saka binayaran.

Pinagmamasdan ko lamang siya at napapaisip kung....kung umamin ba ako sa kaniya noon mamahalin niya kaya ako?...kung umamin ba ako noon gan'to rin ang magiging trato Niya sa akin o.....maiilang at iiwas siya?

"Tara na!" napadako ang tingin ko sa rosas na dala niya bago tumingin ng diretso sa mga mata niya.

"Shien" tawag niya sa akin. Unti-unti akong lumapit sa kaniya at saka niyakap siya.

"Oreo, alagan mo sarili mo..." saad ko. Ramdam ko na naguguluhan siya sa mga sinasabi ko. Kumalas ako mula sa aming pagkakayakap at ngumiti ng mapait sa kaniya..

"Oreo..."

"Shien"

"Sigurado akong aalagaan ka ni Ate! Sigurado akong mamahalin ka niya!" saad ko at hindi namalayan ang mga luha ko'y lumalandas na.

Alam ni Ate noong una pa lang ay gusto ko na si Oreo, alam niya ang lahat. Humingi ako sa kaniya ng pabor na kung pwede lang ay alagaan niya si Oreo at mahalin higit pa sa pagmamahal ko rito.

Bilang na lang ang araw ko.. 3 days left and masaya ako dahil nagkaroon ng feelings si Oreo kay Ate dahil kung umamin ako sa kaniya baka...masaktan lang siya sa huli.

This past few days umamin sa akin si Ate na nagkakaroon na rin daw siya ng nararamdaman para kay Oreo. Masaya ako dahil ganito ang sitwasyon...dahil iiwan ko ang lalaking mahal ko ng masaya at walang bahid ng pag-aalala.

Ngumiti muli ako kay Oreo at saka hinawakan ang isa niyang kamay.

"Mag-iingat ka"

Mahal ko siya higit pa sa kaibigan at nanaisin kong maging masaya siya sa piling ng iba kaysa sa akin na mawawala rin sa mundong ito.

Maybe I should let him go even though wala namang kami.. I love him more than a friend and I will always be here to guide him even if I die..

Kaibigan (Completed)Where stories live. Discover now