Chapter 12- Graduation

0 0 0
                                    

"Shien!"napadilat ako ng tawagin ako ni Oreo.

"Hm?"inaantok pa rin ako hanggang ngayon dahil napuyat ako kakaisip nung graduation.

"Congrats" aniya at ngumiti na lamang ako sa kaniya.

Ngayon na kase ang araw ng Graduation, kasama kaming dalawa ni Oreo sa honors and responsible students and si Leo naman kasama rin ang kaso lang hindi na kami masyadong nag-uusap.

"Shien!"napalingon ako sa sumigaw....si Ate.

Agad akong pumunta papalapit sa kaniya.

"Congrats! Pati na rin Kay...."inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko para bumulong.

"Oreo" kinikilig na aniya. Tumingin naman ako kay Oreo na nakangiti sa akin...kay Ate pala. May namamagitan ba sa kanila?

"Oo na, mag-intay ka na lang dun kasama si Mom and Dad, dali na" pagtataboy ko sakaniya. Naba-badmood na naman ako.

Umalis na si Ate pero nong paalis na siya ay kumaway pa kay Oreo.

"Mukhang bad mood ka, Shien" hirit ni Oreo at sinamaan ko siya ng tingin. Gusto ko siya pero kailangan ko lang maging normal ang pakikitungo sa kaniya.

"Tara na nga" inis kong saad at nag-simula na kaming pumunta sa gym kung saan gaganapin ang graduation, grabe sa gym talaga.

.........

Narito ako ngayon sa entablado at kailangan ko mag-speech dahil isa ako sa mga honor students.

"Ahm..."sa totoo lang kinakabahan na ako.

Ngumiti ako sa harap ng maraming tao bago nagsalita.

"Maraming salamat sa Mommy and Daddy ko and especially to my best friend...." bumuntong hininga muna ako bago tumingin kay Leo.

"To my best friend Oreo" Saad ko at ngumiti, I saw pain when i take a glance at him..at Leo..

Sorry Leo ..

Nagsipalakpakan ang mga tao at kasabay non ang pagbaba ko sa entablado.

Si Leo ang susunod na mag-spespeach.

"Good Morning.... Maikli lamang ang aking sasabihin at ito ay para sa babaeng mahal ko pero...may ibang gusto" bahagya pa siyang tumawa at tumingin sa akin.

"I love her...siya ang naging inspiration ko para maging honor student. I really hate the fact that I love her pero wala na akong magagawa. Mahal ko na e"

"I just want to say this to you, always remember I love you and I'm sorry.... I'm sorry for everything."aniya at saka bumaba ng stage. Nagsipalakpakan naman ang iba habang ang iba ay parang naiiyak.

Sorry Leo...

........

"Ngumiti ka naman Shien kanina ka pa nakabusangot diyan!"sigaw ni Ate dahil kinunan niya kami ng picture ni Oreo.

"Oo na!"saad ko at ngumiti sa camera.

"Alam mo Shien bagay talaga kami ni Oreo!" Sigaw ni Ate dahilan para mamula si Oreo.

Sa totoo lang iniisip ko kung.....gusto ba ni Oreo si Ate..and... everytime na iniisip ko yun para akong paulit-ulit na sinasaksak.

Kaibigan (Completed)Where stories live. Discover now