Crimson
Silent whispers, shocked faces with sinful eyes—you name it all. Ganyan ang reaksyon ng lahat ng nakakita sa amin, hindi na ako mabibigla kung mayroon sa kanila ang nakakita rin sa amin kagabi. May nalalaman pa akong pretend, eh ang dali ko rin naman talagang bumigay.
Tanga! Boba!
Inalalayan nya akong tumayo, hinawakan ko ang dibdib nya at tinulak ng marahan dahil masyado syang malapit sa akin. Pinagtaasan nya ako ng kilay at hinila palapit pa sa kanya. His hand snaked around my waist. Not minding everyone's attention, exclusive naman ang party na ito at gagawan naman daw nya ulit ng paraan. Maybe, blocking the media? Hindi naman nya siguro hahayaang maeskandalo at madungisan ang brand nila.
Am I going home with him? Can I do it?!
Marami rin namang walang pakialam sa amin hindi nga lang nila mapigilang mapatingin minsan. He's a big deal in the industry and in the business world. Seeing him with a star like me is more sin than tea. Na para bang hindi ako dapat makita kasama sya, I am still at a level where I can't afford to be part of their circle.
Kahit madilim at mga mumunting ilaw lang ang naglalaro sa paligid, naglakbay pa rin ang mga mata ko para hanapin ang team ko. Laglag pangang lumapit sa amin si Clara at Barbie kasama ang mga bodyguards.
"Good evening, Sir." si Clara at pilit na pumagitna sa aming dalawa.
"I'll drive her home." he said in authoritive tone.
"A-ah Sir, I can schedule a private meeting for you two if you want. Not here, not now. Please." pagmamakaawa ni Clara. Halos maiyak na sya sa takot. Takot hindi sa lalaking kaharap kundi sa mga balitang nag-aantay na maipalabas. Mga intrigang sisira sa akin.
Suminghap sya at nakuha ang ibig sabihin ni Clara. Tumango sya at niluwagan ang pagkakahawak sa akin. "I'll escort you in your car." bulong nya sa akin.
Umiling ako. Hindi pwede, baka mamaya hatakin ko sya sa loob ng sasakyan.
"No. Thanks." simpleng sagot ko. Inabot ang kamay ni Clara at tuluyang nagpahila sa kanya. Hindi na nilingon pa ang lalaking kausap.
Walang nagsalita o nangahas na lumapit sa akin dahil pinalibutan na ako ng maraming bodyguard hanggang makapasok sa loob ng sasakyan. Hinilig ko ang likod sa upuan at pinikit ang mata, nagkunwaring tulog. I'm sure Clara's formulating questions now, and I don't have the energy for a long interogation inside this car.
We quietly entered the elevator. Buhat-buhat ni Barbie ang make-up trolley nya at hawak naman ni Clara ang coat at purse ko. Sinusulyapan ako ni Clara, kitang-kita sa salamin ng elevator pero hindi ko sya pinapansin. Pumasok kami sa loob ng condo ko hanggang makarating kami sa sala. Hinagis ko ang sapatos ko sa sofa at walang pasubaling naghubad ng damit sa harap nila.
"Ah!" biglang sigaw ni Clara. Pumikit sya, tumalikod naman agad si Barbie. "Ano ba 'yan magdamit ka nga!" pagalit na sigaw ni Clara.
I'm not naked; I'm still wearing my lingerie. Their reaction is understandable; I'm not comfortable showing too much skin; hindi ako nagbibihis sa harap nila; may sarili din akong dressing room at comfort room sa lahat ng events ko. I do not know how to put into words what happened last night and today. This is the only way.
"Look at me!" sagot ko.
Humarap naman silang dalawa, "Ano 'yan? Hickies!? bayolenteng tanong ni Clara. Lumapit sya at hinawakan ang mga pulang marka sa balat ko. "Kaya ba puro ka longsleeve?" tanong nya kahit alam na nya ang sagot.
Suminghap si Barbie sa gilid bago nagsalita, "Hindi ka na virgin."
Halos matumba si Clara sa narinig, gulat na napaupo sa sofa. My situation isn't funny pero gusto kong matawa sa reaction ni Clara. Tiningala nya ako at hinagisan ng roba. "Magdamit ka nga!"
YOU ARE READING
Echoes of your name: Ailee (City of the stars Series 1)
General FictionPosted: Sept. 02, 2023 - Ongoing Elizabeth Escada also known as "Ailee", a young girl with big dreams. Is it wrong to dream? No. She traded everything she had for this dream. She worked days and nights, trainings, singing lessons, hectic schedules...