Girlfriend
Hindi ko muna sya nilapitan, kailangan kong tapusin ang shoot sa nakatakdang oras dahil may kanya-kanyang commitment din ang mga tao rito. Mabuti naman at hindi sya ini-snob ni Clara at pinaupo pa nga sa harap ng tukador ko pero hindi naman nagtagal doon dahil mas ginustong manood ng shoot ko.
Hindi naman ako nahihiya pero ang awkward naman dahil titig na titig sa akin na kada pose ko sa harap ng camera ay napapatingin din ako sa kanya. Pati mga photographers, stylist, at iba pang kasama rito ay nahihiya at medyo tumahimik ang paligid, naging seryoso bigla.
"It's a wrap!" sigaw ng photographer.
Nagpalakpalakan naman ang mga naroon at nag-congratulate pa sa akin. Nilapitan ko sila isa-isa at nagpasalamat sa trabahong natapos. May nagtatanong sa akin kung bakit sya nandito at nanonood ng shoot ko pero hindi ko na lang sinasagot. Ano naman ang isasagot ko?
"Clara, will pay for your lunch!" deklara ko sa kanilang lahat. Si Clara ang magbabayad dahil sya naman may hawak ng mga cards ko. If I need something, I just tell her. She's my walking bank, and my walking diary.
"Wow, you don't have to do that but thank you!" sabi ni Paul.
Tumawa ako at niyakap sya. "Di ka ba sanay." sagot ko. "I'll give you something." bulong ko.
Hinila ko sya papuntang dressing room at pinakita ang iba't-ibang hair accessories, mga bagong plantsa at kung ano-ano pang kailangan nya para sa pag-aayos ng buhok. Sya kasi nag-aayos ng buhok, gusto ko sanang sa akin na sya magtrabaho tutal freelancer naman sya pero naisip kong mas mabuti ring malaya syang makapagtrabaho sa iba't-ibang bigating tao dahil ma-enhance pa ang skills nya at dagdag din 'yon sa portfolio nya. Sa gulat nya ay tumalon-talon sya sa saya at niyakap ako. Sa ganoong sitwasyon nya kami naabutan. Oo nga pala nandito pala sya.
Tumikhim sya. "I hope I'm not disturbing something." klaro at may diin nyang sabi.
Lumapit sya sa akin at hinawakan ang baywang ko para mapalapit sa kanya. Tinampal ko ang kamay nyang nakahawak sa akin pero hinatak nya ako at muntikan pang sumubsob sa dibdib nya!
"Sige na." bulong ko kay Paul.
"Excuse me." in a manly and cold voice. Ngumiwi ako sa tono na ginamit ni Paula. Ngumisi lang sya sa akin bago lumabas ng dressing room.
Pumasok naman si Clara at Barbie, tahimik na nag-aayos ng mga gamit si Clara at pasulyap-sulyap lang ang ginagawa sa amin pero si Barbie, halos mahimatay at manginig sa pag-aayos nya ng make-up. Nahulog pa nga ang iba ang nagkalat sa sahig.
Tinulak ko sya ulit para makawala sa kanya at hinayaan naman ako. Humakbang ako ng dalawang beses palayo sa kanya. I can't concentrate when he's too close, lalo na kapag naaamoy ko sya at parang gusto ko nalang syang yakapin sa sobrang bango!
"Why are you two hugging?" tanong nya sa akin.
Ha?
Ano daw?"Clara, labas muna kayo." utos ko sa kanila ni Barbie.
Ngumiwi si Clara, hindi nagustuhan ang utos ko. Tumikhim naman si Barbie at hinatak nalang si Clara palabas iniwan ang mga inaayos na gamit. Hindi rin nakuha ni Paul ang mga binigay ko sa kanya dahil sa pagmamadaling pag-alis nya. Tiningnan ko ang relong suot, it's almost 1, may lakad pa ako ng alas dos.
"Who is that guy?" tanong ulit nya.
Hindi ko gets.
Nilingon ko sya at bumuntong-hininga. His wavy hair is made-up. Wearing a navy blue suit, dark brown leather shoes, and a Tag Heur watch on his right wrist. He looked like a model, not a businessman. He looked really good.
YOU ARE READING
Echoes of your name: Ailee (City of the stars Series 1)
Ficción GeneralPosted: Sept. 02, 2023 - Ongoing Elizabeth Escada also known as "Ailee", a young girl with big dreams. Is it wrong to dream? No. She traded everything she had for this dream. She worked days and nights, trainings, singing lessons, hectic schedules...