Kabanata 5

11 0 0
                                    

Notebook

Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung sino iyon, si Senyor! Galit na galit ang itsura nyang nakatingin sa akin.

"Nagpapakamatay ka ba ha?" galit nyang tanong. Halos magdikit ang mga kilay nya sa galit.

Umiling-iling ako at umuubo pa rin. Umupo sya sa tabi ko at hinagod ang likod ko, bigla akong lumayo dahil hindi ako kumportable. Alam kong nagmamaagandang-loob lang naman sya, hindi lang ako sanay na ganito sya kalapit sa akin. Nagtaka sya sa kilos ko at lumayo naman bago nagsalita ulit.

"Tayong dalawa lang ang nandito, kung magpapakamatay ka baka ako ang sisihin lalo na't alam ng mga tauhan na nagpunta ako dito." tumigil sya saglit at sinulyapan ako. "18 na ako, pwede na akong makulong...kaya kung magpapakamatay ka, pwedeng tsaka nalang, kapag wala ako?"

"Hindi rin maganda ang mamatay sa lugar na ito, bababa ang market value ng lupain na ito kung gagawin mo iyon. Dadagdag ka lang sa mga kwento rito kapag nagkataon." mariin nyang sabi.

Suminghap ako sa narinig. Hindi naman ako nagpapakamatay. Hinding-hindi ko iyon gagawin kahit kailan! Gustong-gusto kong isigaw iyon sa kanya pero magsasayang lang ako ng laway. Nagkamali ako, akala ko nag-aalala sya, normal lang naman ang mag-alala sa ibang tao lalo na kung inaakala mong nalulunod o may nangyaring hindi maganda.

Iniisip nyang mapapahamak sya, makaaagrabyado ako ng iba? Ano nga bang aasahan ko sa mga Alcozer?

"Hindi naman ako magpapakamatay, Senyor." mahinahong sagot ko. Hindi ko napigilang hindi iyon sabihin dahil baka magkwento pa sya kay Aling Sita at malaman nila Lola, ayokong mag-isip sila na gagawin ko nga iyon.

"Hindi? Eh, nakita kitang nilubog ang sarili mo sa tubig. Akala ko lalangoy ka pero inabot ka ng labing limang segundo di ka pa rin lumilitaw!"

I don't understand why can't he calm down.

"Nag-eensayo po kasi ako at muntik na akong malunod dahil hinila mo ako." Hindi ko mapigilang hindi sumimangot sa kanya.

Halata sa itsura nya ang gulat dahil bumuka ang labi nya, "Sisisihin mo pa ako. Totoo ba 'yan?" tanong nya.

"Hindi nga po. Hindi ko 'yon gagawin kahit kailan!" mariin kong sagot.

Mahirap kami, oo. Marami kaming problema pero marami rin akong pangarap, at hinding-hindi ako mamamatay ng hindi iyon natutupad. Mahal na mahal ko ang buhay ko at hinding-hindi ko maiisip na gawin iyon.

I will live by my name.

"Good to hear then." sagot nya at huminahon. "Basang-basa ka na, may pamalit ka ba?" tanong nya. Sinulyapan ako mula ulo hanggang paa, kumunot ang noo nya at nag-igting ang panga. Basang-basa na ako pati ang mahaba kong bestida ko, siguro mukha akong basang sisiw kaya ganyan makatingin.

"Kailangan kong mag-ensayo." maikling sagot ko at nagpasyang lumangoy ulit papuntang gitna. Nilingon ko sya ulit at nakatingin pa rin sa akin. Binabantayan siguro ako para siguraduhing hindi ko sya ipapahamak.

Inulit ko ulit ang mga ginawa ko kanina, hingang malalim at ilulubog ang sarili sa tubig. Kailangan kong gawin ito dahil hindi ko naman kayang magbayad ng mga taong mag-eensayo sa akin. Hindi ko rin kaya ang mga voice lessons at kung ano-ano pa. Dito rin ako nag-eensayo sa pagkanta ng malakas dahil walang nakakarinig kaya lang, hindi ko iyon magagawa mamaya dahil nandito sya.

Lumipas ang isang oras ay umahon na ako. Napagod rin kasi ako sa ginagawa at hindi naman pwedeng maghapon akong magbabad sa malamig na tubig at baka magkasakit pa ako. Kinuha ko ang backpack ko at nagpasyang magbihis na. May dalawang banyo naman dito parang natural na bato rin ang itsura, ginawa iyon na magmukhang malalaking bato lang at gawa sa semento. Nilingon ko isang beses si Senyor at busy naman sya sa paglangoy sa malayong parte ng ilog hindi napansing nakaahon na ako.

Echoes of your name: Ailee (City of the stars Series 1) Where stories live. Discover now