Kabanata 7

3 0 0
                                    

Kangkong

Tumigil ako sa pagkanta ng matanto ang mga salitang lumalabas sa labi ko. Umahon sya kaya napalingon ako sa kanya, at nakitang nakaawang ang labi nyang nakatitig sa akin. Narinig nya lahat ng 'yon? Nakakahiya!

Hanggang bewang lang nya ang tubig at naglakad sya palapit sa akin. Napaawang ang labi ko at Halos tumigil ang mundo ko sa nakikita, basang-basa sya at tumutulo ang tubig mula sa kanyang buhok, lumalandas sa kanyang katawan.

Ngumuso ako, para syang modelo ng Nestea na nakikita ko sa TV.

Umupo sya sa tabi ko, mga dalawang metro ang layo. Nilingon ako habang nagpupunas sya ngayon ng buhok.

"Ang galing mo." simpleng sabi nya at nakangiti sa akin.

Uminit ang aking pisngi. Hindi ko inaasahan na marinig iyon sa kanya. "Salamat." simpleng sagot ko.

"Nagsusulat ka rin ng kanta hindi ba?" tanong nya. "Gusto mong maging singer?" dagdag nya.

Nahihiya akong tumango. Gustong-gusto ko ang pangarap na iyon pero kapag naaalala ko ang mga sinasabi ng ibang tao sa akin ay pinaghihinaan ako ng loob. Parang ang hirap, parang imposibleng maabot ko iyon.

"Kung papalarin po." malumanay kong sagot.

"You don't seem confident?"

Ngumuso ako. "Pangarap lang naman iyon Senyor, kung hindi matutupad, okay lang naman." sagot ko. Kahit na alam kong mahihirapan akong tanggapin iyon.

"Okay lang? Bakit?" kuryoso nyang tanong.

"May mga pangarap naman pong hindi natutupad at mas mabuting hanggang pangarap lang." sagot ko. Yumuko at ako sinulayapan ang mga paang nakababad pa sa tubig at winagayway ang mga iyon. Napalingon ako sa mga paa nya dahil ginawa rin nya ang ginawa ko.

Sinundan nya ang tungo ng mga mata ko. Sumulyap sya ulit sa akin at ganoon din ako sa kanya. Ngumiti ako sa kanya at napaawang ang kanyang labi.

"Kung madali lang sa'yong tanggapin na hindi matutupad ang mga pangarap mo, then it's not for you." sagot nya. "If you truly want it, you have to work hard for it. You have to pray for it." dagdag nya.

Iniwas ko ang tingin sa kanya at inilipat ito sa gitarang hawak ko. Napalingon ako sa talon at dumiin pa lalo ang pagkakahawak ko sa gitara.

"When everyone doubts you, its when you have to believe in your dream, in yourself. Because it is your dream to begin with, not theirs." sagot nya.

Huminga ako ng malalim. At least I have 4 people now who believe in me. I guess its enough?

"Hindi ka na pumunta sa bahay? Hindi ka na nagtitinda?" tanong nya. Iniba na ang usapan.

"Nagtitinda pa rin Senyor."

Nagtitinda pa rin naman ako hindi nga lang sa kanila dahil wala naman sya noon.

Tumango sya. "Pumunta ka ulit at magtinda ka sa susunod."

Tumango-tango lang ako. Ano ba yan?! Bakit wala akong mahanap na salita at hindi agad nakakasagot sa kanya?! Ngumuso sya at tumango lang din. Binalik ang kanyang tingin sa ilog, habang ako nakatingin pa rin sa kanya.

"Hi, Eli!" salubong ni Lucas sa akin. Iyong classmate kong nangongopya palagi.

Umikot ang mata ko sa kanya at nilagpasan sya. Dumiretso ako sa upuan ko, at sa kasamaang palad, umupo sya sa tabi ko dahil seatmate kami, Escada at Cavillo!

"Ang ganda mo talaga!" sabi nya.

"Ano bang kailangan mo Lucas?" tanong ko. Hindi ko makakalimutang bukod sa tamad syang mag-aral ay sinungaling pa sya. Ayaw na ayaw ko ng ganoong tao. Kung kaya nilang magsinungaling sa maliit na bagay ibig sabihin kayang-kaya nilang magsinungaling sa kahit na ano.

Echoes of your name: Ailee (City of the stars Series 1) Where stories live. Discover now