Kabanata 4

14 0 0
                                    

Eyli

"258, 564, 759, 943...943" bulong ko.

Inaayos isa-isa ang mga barya at papel na pera. Bininilang ko lahat ng naipon ko sa loob ng isang buwan galing sa allowance ko ang iba at sahod ko pagbibenta ng mga tanim na gulay ni Lolo sa palengke.

Si Lolo ang nagpapaaral sa akin at isa syang retiradong sundalo. Matanda na sya nasa 50's na, maagang syang nagretiro dahil nahihirapan na syang makalakad dahil nabaril sya sa may hita noon. Tanging pensyon at mga kita lang sa pagtatanim ng gulay ang bumubuhay sa aming tatlo nila Lola.

Wala na akong nanay dahil namatay sya sa panganganak sa akin at ang tatay ko naman ay hindi ko kailanman nakilala dahil ang sabi-sabi ay anak daw ako sa labas. Nurse noon si mama sa kampo at nabuntis daw sya ng isang pamilyadong pulis at hindi na pinanagutan si mama.

Hindi ko na rin iniisip na makilala pa ang tatay ko dahil kung pamilyado sya ay gugulo lang ang pamilya nila. Isa akong pagkakamali at ang magpakilala pa sa pamilya nila ay mas malaking pagkakamali, ayokong makasira ng isang pamilya. Hindi ko kailangan ng bagong problema. Ayos na sa akin na may Lolo at Lola ako.

943 lang naipon ko ngayon, siguro aabutin ako ng tatlong buwan nito bago makompleto ang pera ko. May nakita kasi akong gitara sa bayan at 3,000 ang pinakamura. Gustong-gusto kong matutong maggitara, at naiinggit ako sa mga kaklaseng lalaki na mayroong ganon.

Marunong naman na akong ng harpa dahil may ganon si Lola, namana ko din sa kanya ang galing nya sa pagkanta. Marunong na rin akong mag-piano, natuto ako sa lumang simbahan ng El Presidente at linggo-linggo akong tumutugtog doon. Parte rin ako ng choir kaya naman nahahasang mabuti ang boses ko.

"Ate, kuya, bili po kayo!" sigaw ko.

Hawak ko ang isang basket ng sitaw, okra at talong. Nakapatong naman sa ulo ko ang isang basket na may lamang mga talbos ng kamote at kangkong. Tuwing sabado lang kasi ako nakakapagtinda sa palengke at tuwing linggo pagkatapos ng misa ay nag-iikot naman ako sa mga bahay-bahay.

"Magkano yang sitaw, Eli?" tanong ni Aling Sita.

"20 pesos lang po isang kumpol." sagot ko.

Nandito ako ngayon sa mansyon ng mga Alcozer, sa labas lang naman ako ng gate. Sa tuwing napapadaan ako dito, hindi ko mapigilang hindi mamangha sa laki ng bahay nila. Mas malaki pa nga ang bahay nila kaysa sa munisipyo namin dito, mas malaki pa kaysa sa pinagsamang mga basketball court sa buong bayan.

Kung lalabas ka ng El Presidente at pupunta sa karatig-bayang El Cielo ay makikita mo pa pulang pintura ng kanilang bubong. Ang sabi may isang daang taon na daw ang mansyon nilang ito at ipinaayos nalang ito ilang taon na ang nakakaraan dahil nakakatakot naman talaga ang itsura nito sa labas, parang isang malaking hunted house!

"Ano yang tinda mo, bata?" tanong ng isang lalaki na mas matanda siguro ng ilang taon sa akin.

Matangkad, medyo maputi at pormal na pormal ang itsura. Nakasuot ng mga isang polo at pantalon gamit ang telang ngayon ko lang nakita. Halatang mamahalin ang lahat ng suot nya.  Napanguso ako. Bigla akong napatingin sa suot kong luma at halos mapunit sa nipis ng tela.

"Ah, marami po, Senyor." sagot ko at ibinaba ang mga basket. Lumapit ako sa gate nila para makita nya ang mga dala kong gulay.

Senyorito sana, pero mas nababagay sa kanya ang senyor dahil matangkad sya, matipuno ang pangangatawan at lalaking-lalaki ang itsura. Mukha syang artista, parang (kamukha noong mga) lalaki sa mga mexican telenovela.

Humagikhik naman sya ng malakas. "Senyor, tama tawagin mo akong senyor. Para pareho kami ni Lolo." sagot nya at humagikhik ulit. Kitang-kita ang maputi at kumpleto nyang ngipin.

Echoes of your name: Ailee (City of the stars Series 1) Where stories live. Discover now