Kabanata 6

2 0 0
                                    

Self-esteem

Nakita kong pumasok na si Lola sa bahay kaya sumunod na rin ako. Gusto ko sana syang tanungin pero kinakausap na sya ni Lolo nang makapasok ako ng bahay at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila kaya dumiretso nalang ako sa kwarto. Alas singko na pero nagdilig sya kanina ng mga halaman na hindi naman nya dati ginagawa sa ganoong oras.

Sa mga sumunod na araw ay hindi ko na ulit nakita si Senyor kahit na lagi akong nagtitinda sa kanila. Ang mga araw ay naging buwan, at hindi na ulit sya napadpad dito sa El Presidente. Hindi ko rin naman gustong itanong kay Viviene na pinsan nya dahil nakakahiya.

"Brigs, samahan mo ako sa bayan." sabi ko dahil may motor kasi sya at makikiangkas ako para makalibre ng pamasahe.

Nandito ulit sya sa bahay at kumakain mag-isa ng tanghalian, dahil ala una na. Wala daw silang pagkain, yan ang lagi nyang nirarason sa tuwing nakikikain sya dito kahit alam ko namang nagsisinungaling sya. Mayaman naman kasi sila kaya imposible!

"Anong gagawin natin don?" tanong nya kahit na puno ng pagkain ang bunganga nya.

Ginisang sitaw at kalabasa lang ang ulam namin pero takam na takam na sya don. Eh paniguradong mas masarap naman ang mga kinakain nya sa bahay nila. Minsan pa nga nagbibigay sya dito ng mga frozen steak at kung ano-anong imported na pagkain.

"Bibili ng gitira." sagot ko.

Napahinto sya sa pagsubo at binalingan ako ng tingin. Sumimangot sya, "Sabi ko naman sa'yo kunin mo nalang ang gitara ko sa bahay. Hindi ko naman ginagamit!" pamimilit nya.

"Ayoko nga. Gusto kong bumili ng sa'kin!"

"Ipunin mo nalang kaya ang pera mo, sayang lang, eh pwede ko namang ibigay yon sa'yo." sagot nya.

"Hindi 'yon sayang!" mariing sagot ko.

Hindi kailanman masasayang ang pera ko sa pagbili ng gitara o kung ano pang kailangan ko dahil investment lahat ng 'yon para sa mga pangarap ko.

Nandito na kami sa bayan at si Brigs mismo ang namimili kung anong brand ang bibilhin ko. Hindi naman kasi ako maalam sa mga ganoon. Umiikot-ikot ako sa bawat sulok ng tindahan at namamangha sa dami ng mga instrumentong naka-display.

"Salamat po!" sabi ko sa tindero ng iabot sa akin ang biniling gitara.

Hindi mapawi ang ngiti ko habang tinitingnan ang gitara. Simple lang iyon, kulay brown lang, walang kung anong arte at ang pinakamura rin ang kinuha ko. Si Brigs naman nasa tabi ko at namimili ng mga songbook, sabi nya mas madali daw akong matuto kung may mga ganon ako. Pwede akong mag-ensayo kahit mag-isa, dahil hindi naman kami palaging nagkakasama.

"Wala ka na bang ibang bibilhin?" tanong nya habang palabas ng store.

Umiling-iling ako. Pambili nalang ng meryenda namin ang natira sa pera ko, syempre ililibre ko sya!

Napatingin ako kay Brigs ng bigla syang tumigil sa tapat ng isang cosmetic store. Mga local brand lang naman ang mga iyon pero hindi pa rin ako bumibili dahil hindi naman ako nagmi-make-up. Nilingon nya ako at biglang nanliit ang mga mata nya, bumaba ang ulo nya at inilapit ang mukha sa akin.

"Makinis ang mukha mo, hindi mo naman kailangan ng foundation kaya lipstick o mga eyeshadow nalang." sabi nya at hinatak ako sa loob ng tindahan.

"Huh? Ano? huwag na Brigs!" mariin kong sagot. Alam naman nyang wala akong pera!

"Brigs, ayaw ko!"

Hindi sya sumagot. Sya mismo ang pumili ng isang light pink lipstick, eyeliner, eyebrow pencil, at isang set ng eyeshadow! Hindi na ako magtataka na maalam sya sa mga ganito kasi alam naman nya lahat ng bagay, para syang walking dictionary! At dali-dali syang nagpunta sa counter para magbayad. Hindi na ako makahindi kasi kung matigas ang ulo ko, mas matigas sa kanya!

Echoes of your name: Ailee (City of the stars Series 1) Where stories live. Discover now