🎶Bahay kubo kahit munti
Ang halaman duo'y sari-sari
Singkamas at talong??
Sigarilyas at mani??
Sitaw, bataw, patani..🎶
Ay napakanta tuloy ako :D
____
CHAPTER 2
"Hindi ikaw ang type ko."
Sa kalagitnaan nang byahe ay biglang tumigil ang mga sasakyan nang harangin sila ng ilang Community leader, bumaba naman ang Mayor, Brgy. Chairman maging ng Platoon leader para kausapin sila.
"May problema po ba Mayor?" - Regina
"Wala attorney, medyo alert lang sila kasi medyo dumadami na yung NPA dito." - Mayor
"I see."
"Tuloy na tayo, ayos na." - abiso ng chairman at nagpatuloy na nga sila.
Isang liblib na bahagi ng Negros ang kanilang pinuntahan may mga indigenous people kasi rito na siyang pangunahin pakay ng Vanguardia program.
Nang marating nila ang nasabing lugar ay kani-kanya sila ng latag ng tent dahil biglaan ay walang naihandang tutuloyan ang mga ito, saka malayo rin sa syudad ang nasabing lugar.
Lagi namang nakaantabay ang dalaga kahit saan pa magpunta ang abogada.
"Could you please stop following me officer?" - iretabling saad ng abogada.
"5 meter radius lang po ang dapat na layo niyo sa akin, tsaka ito po ang trabaho ko kaya masanay na po kayo." - Narda
"Gabi na, sa tingin mo may pupuntahan pa ako?"
Oo nga naman
"S-sige po. Sa kabilang tent lang po ako ma'am."
---
Kinabukasan ay naging abala ang lahat, nagsimula na kasi ang feeding program at medical mission. May mga tiga ibang nayon na dumayo para maka avail nang nasabing serbisyo.
Naging abala rin ang abogada sa pagbibigay lectures ukol sa pangkarapatang lupain, maging sa usaping kababaihan.
Hindi malaman ni Narda kung bakit ayaw lumihis nang mga mata niya sa babaing walang katamis-tamis ang dugo.
"Aray nahulog!" - sigaw nang isang sundalo nagulat naman si Narda.
"Ano nangyari?" - Narda
"Joke lang.." at nag peace ang loko.
"Baliw ka alam mo ba yon?"
"Alam mo buddy kanina ka pa nakatingin dyan, trip mo ba siya?"
"Siya? Si Attorney? Gago, hindi noh."
"Asus.. Iba tingin mo sa kanya eh."
"Ano bang sinasabi mo? 1st assignment ko is bantayan siya, nakalimutan mo na bang hindi lang siya basta mahalagang tao, siya ang main sponsor ng event na'to."
"Kunwari kapa."
"Balik kana don, mukhang kailangan nila nang relyibo -"
"Anong balik? Eh kasama ako sa SG ni Mayor sira ka ba?"
Oo nga naman.
"Kung ganon ba't nandito kapa? Diba dapat naka buntot ka sa kanya?"
"Kasama naman niya yung ibang mapapel niyang SG saka lunch break na rin, may relyibo ako.."
YOU ARE READING
Make Me GAY
Fanfiction"Wala ka kay Private Narda Custodio, kaya niyang akyatin ang puno ng cactus para kay Regina -" - Whamos #RomCom Soar high mga vadengs 💚❤️ #JaneNella