"Humayo kayo at magparami :) "
🔱
______
*Continuation *
- ¦ Habang palamig ng palamig ay pahigpit naman ng pahigpit ang yakap ni Narda sa babaing may sinat.
"Sana mag-umaga na." sa isip ng dalaga dahil hindi na niya matiis ang lamig, idagdag pa ang kalagayan ng abogada. Hanggang sa nakatulogan na lamang niya ang pag-aalala.
KINABUKASAN ay naalipungatan si Narda nang maramdamang gumalaw si Regina.
"Ayos ka na? Kamusta pakiramdam mo?" sabi nito ng kapain niya ang leeg ng babae, tinabig naman ng abogada ang kanyang kamay.
"Sorry nag-aalala lang po ako."
"I'm fine -" sungit niyang sabi.
Hindi na umimik si Narda sa halip ay nag-inat na lamang siya upang tanggalin ang lamig ng kanyang katawan at ng pangangalay dala ng pagkaka-sandal sa kanya ni Regina ng matagal.
"Here's your shirt officer -" anang abogada ng hubarin ang damit ni Narda at isuot ang kanya.
"You said you're straight, but you keep looking away every time I undress myself."
"Privacy po siguro, - bakit gusto niyo po bang tingnan ko kayo habang naghuhubad?"
Oo nga naman :D
"So, paano tayo makakabalik?" - pag-iiba ni Regina ng paksa.
"Mahahanap din natin ang daan pabalik-" tugon naman nito habang sinusuot ang kanyang army shirt na hinubad ni Regina.
Nagnilay-nilay muna ang dalawa para tansahin ang daan, hindi naman maiwasan ni Regina na mapapikit at namnamin ang mapayapang umaga.
"Ouch! What are you doing?" tanong nito sa babaing nakaluhod at binibenda ang may sugat niyang tuhod gamit ang pirasong tela na kanyang pinunit mula sa kanyang damit.
"Maglalakad tayo sa masukal na bahagi ng borol attorney, para hindi ma-impeksyon ang sugat niyo kailangan mo muna 'to tapalan, pagdating natin don ipatingin niyo po agad sa mga volunteer doctor -" Narda
Hindi maiwasan mamangha ng abogada sa dedication ng babaing sundalo sa kanyang trabaho.
"T-thanks.." labas ilong niyang sabi, kahit hindi sincere ay tinanggap na ito ni Narda kaysa naman sa wala.
Nang makapag handa ay nagsimula ng maglakad ang dalawa. At dahil hindi sanay ang abogada ay madalas itong madulas o kaya sumabit sa mga wild grass.
"Hawak po kayo sa akin.." alok ni Narda, saglit na nag-isip ang abogada bago tanggapin ang kamay ng dalaga.
"Mating season daw po ng mga wild boar kaya mas mabuting makaalis na tayo dito." - sabi pa niya.
Hindi na naman umimik ang abogada at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa narating na nga nila ang Sitio kung saan sila nagka-conduct ng anniversary program.
"Andito na tayo ma'am-" masayang sabi ni Narda, wala namang emosyong naglakad ang abogada patungo sa section ng mga volunteer doctors, naiwan namang naasar ng bahagya si Narda dahil hindi man lang ito nagpasabi.
"Kita mo'to.." buga ni Narda habang naka pamewang.
"Oh Custodio ano nangyari sa damit mo? Ba't napunit? Tsaka saan ka nagsusuot at subrang babad ka sa putik lalo na yang pants mo?"-takang tanong na isa sa mga kasamahan niyang sundalo.
YOU ARE READING
Make Me GAY
Fanfiction"Wala ka kay Private Narda Custodio, kaya niyang akyatin ang puno ng cactus para kay Regina -" - Whamos #RomCom Soar high mga vadengs 💚❤️ #JaneNella