Pau-BYE-a👋

375 18 61
                                    

"PauBYEa by Moira De Explorer 🎶"














     🇺🇸   ✈

_________






CHAPTER 12

"Happy Divorcing Day :)"






______

A/: Can we skip this part? Charr!:)







* Continuation*

"Pre, ayos ka lang?" - tanong ni Marlo sa kaibigan habang nakaupo sa quadrangle nang camp aguinaldo, hawak nito ang isang brown envelope.

"Pre? Custodio? oi!" - muling tawag nito, halata kasing wala sa sarili ang dalaga.

"O? - b-bakit?" - ani nito nang mabalik sa wisyo.

"Para kang timang dyan, kanina pa kita tinatawag hindi ka sumasagot -"

"May iniisip lang ako -"

"Alin? yung training mo sa America? O yung tungkol sa inyo ni Attorney?" - anang kaibigan nito napaiwas naman nang tingin si Narda.

"Wag ngayon Marlo." - Narda

"Pre, matagal ko nang napapansin na hindi kayo ok, hindi okay yung pagsasama niyo ni Attorney, halata kasi sayo -"

"Marlo gusto ko mapag-isa."

"Pre-.." - Marlo

"Sige na kahit ngayon lang, gusto kong mapag-isa-" - Narda

Pansin ni Marlo ang namumugtong mga mata ni Narda kaya tumalima na lamang ang kaibigan nito.

"Sige. Ito kainin mo muna-" abot nang binata nang hawak niyang tinapay

"Bilisan mo lang baka may makakita-" dagdag pa niya nang bahagyang lumayo at hayaaang kagatin nang dalaga ang tinapay at ibuhos ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

Hinayaan ni Marlo na humagugol ang kaibigan, dahil kahit hindi nito sabihin ay alam niyang may pinagdadaanan si Narda.

Kilala ni Marlo ang dalaga, madalang kasi ito magpakita nang kahinaan, at sa bibihirang pagkakataon ay nasaksihan niya kung paano naging masaya si Custodio, at kung paano rin ito nasasaktan nang husto ngayon.


Napatungo ang lalake habang pinapakinggan sa likod nito ang mga hikbi ni Narda, wala siyang magawa at wala siyang magagawa para ibsan ang pighati nang kaibigan.

Saksi ang langit sa mga luhang pinapakawalan ni Narda, kung gaano naninikip ang kanyang dibdib at kung gaano niya kagustong tumakbo kay Regina at magmakaawang SIYA na lang.

_________________

Ano nangyari?


F L A S H B A C K
_______

Ang sana'y masayang dinner date nina Regina, at nang kanyang ama ay naging isang hudyat nang pagguho nang pag-ibig na siyang binuo nang dalaga kasama ang  babaing katabi nito.

Make Me GAY Where stories live. Discover now