Kabanata 2

206 16 1
                                    

NAGING abala pa sa mga sumunod na araw si Rivi matapos ang ground breaking sa pinapatayong commercial building ni Mr. Tan. Sunod-sunod rin ang mga appointment meeting niya sa loob man o labas ng kompanya. Ngayon nga'y kababalik lang niya sa opisina galing lunch meeting sa isang restaurant sa BGC.

"Marie, please call Architect Marion to come here to my office. I need his blueprint for Villa Corazon," utos niya sa kanyang sekretarya mula sa intercom.

"Copy, ma'am." She turned her attention back to reading the planning report after she ended the call.

Ilang sandali pa'y nakarinig siya ng mga katok at pumasok roon ang sekretarya. "Architect Marion is here now, ma'am."

"Let him in."

"Yes, ma'am. Architect, you can come in now." Pumasok roon ang binatang arkitekto saka sila iniwan ng sekretarya.

"Good afternoon, ma'am. Here is the blueprint you asked for."

"Please put that on the table, architect," aniya, inilahad ang malaking mesa sa gilid. Dito sa opisina ng kanyang ama na ngayo'y opisina na rin niya'y may malaking mesa para mailagay at mailahad ng maayos ang mga blueprints na kailangan niyang suriin at aprobahan bago dumaan iyon sa final meeting kung saan sa pagpupulong na iyon ay naroon ang buong team na siyang bubuo ng proyekto at maging ang may-ari.

Rivi saw the drawing pages spread out on the long table, which was the work of the architect next to her where she could see the architect name written on the first sheet, the title block. Maya-maya lang ay isa-isa na niya sinasabi ang pananaw niya't nagbigay ng karagdagang komento sa desinyo nito. Siya ang tipo na kahit boss pa siya ng mga 'to, 'pag namumuna sa gawa ng kapwa arkitekto niya'y hindi pinipilit ang kanyang gusto. Binibigyan pa rin niya ang mga 'to ng karapatan at malayang pananaw na dipensahan at itama ang dapat itama sa mga gawa. Nakikinig siya't sinaalang-alang ang bawat desinyo na pinaghirapan at ginugulan ng mahabang panahon at oras ng mga 'to.

Rivi's full attention was focused on listening to Architect Marion as he pointed and explained the floor structure when the door to her office suddenly opened. She saw a sophisticated and beautiful woman despite her age, walking straight towards her with her head held high, followed by her nervous and scared secretary.

"I'm sorry, ma'am, I told--"

"So, are you the daughter of Horace Montreal?" pagputol ng ginang sa kanyang sekretarya, tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.

Rivi couldn't help raising an eyebrow at the woman because of what she did. Wala siyang pakialam kung sinuman 'to o kung anuman ang katayuan nito sa buhay. Ang ayaw niya sa lahat ay 'yung tinitingnan siya na nangmamaliit.

"Yes, it's me. May I know who you are?" Ito naman ang napataas ng kilay dahil sa tono ng pagtatanong niya.

Nilingon muna niya si Architect Marion. "We're good, architect. You can leave now." He nodded and immediately picked up the things scattered on the table. Marie also helped him as she looked back at the person in front of her. 

"I am Mrs. Allanah Federova. Your father told me about your firm." Maarting nilibot nito ang paningin sa kabuuan ng kanyang opisina. Nakalabas na rin ang kanyang sekretarya at si Architect Marion.

A Federova, huh? Kaya pala ganito na lamang ito kung umakto. Kilala ang apelyido nito sa business world. Laman ng iba't ibang pahayagan ang mga negosyo ng Federova, ngunit hindi ang mukha sa mga nagmamay-ari niyon. Masyadong pribado ang mga 'to.

"Nice to meet you, Mrs. Federova. Please, sit down, ma'am," pag-alok niya sa upuan na nasa harapan ng kanyang office table. Umupo din naman 'to na kanyang sinundan at umupo siya sa kanyang swivel chair.

Fated To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon