Kabanata 10

157 14 1
                                    

"How's your dad, Riv?" tanong ni Cole habang nakasunod sa kanya. Nandito siya ngayon sa warehouse nila para suriin ng personal ang mga stocks na ihahatid bukas sa ilang branch ng supermarket.

"The wounds he got are healing a bit, but he still can't adjust to what happened to his eye," she answered. "You continue this and forward all the records to me later including the production." Pagbaling niya sa supervisor na siyang nakasunod din sa kanila ng kaibigan sabay bigay sa clipboard rito.

"Copy, ma'am." Kinuha nito iyon at ipinagpatuloy ang pagsusuri ng mga listahan at produkto.

"Hindi naman kasi madali iyon para sa ama mo, Riv. Paningin niya ang nawala sa kanya. Biruin mo sa isang iglap lang mawalan ka ng paningin na siyang nakasanayan mo sa loob ng limampu't anim na taon? Dinaig mo pa ang nabaldado nu'n, kaya naiintindihan ko kung bakit ganun na lang ang epekto niyon kay Tito."

"I know, Cole. Naiintindihan ko naman siya, eh. Kaya lang minsan, nasasaktan ako sa mga pinagsasabi niya. I feel that he is no longer the father I used to be, that even though he was angry with me, there was still care and love in the words he uttered every time he scolded me. He changed so much."

Cole sighed. "No matter what happens, you need to be strong and be patient for your father, Riv. Sa ating apat, ikaw ang kilala kong matapang at matalino mag-isip sa lahat ng bagay, kaya gamitin mo iyan ngayon, lalo na kailangan ka ng inyong kompanya at ng iyong ama." Pagpapalakas loob nito.

"Thanks for your words, Cole."

"Nuh! Don't mention it. What are friends for, right?" Ipinulupot nito ang mga braso sa kanyang braso.

Yeah, right. Abala man sila sa kani-kanilang responsibilidad sa kompanya ng kanilang mga magulang, ngunit 'pag ganitong may problema ang isa sa kanilay naroon sila para dumamay. At ngayon nga siya ang nasa sitwasyon na kailangan ng karamay.

Hindi rin nagtagal at umalis na sila ni Cole sa warehouse. It was almost lunchtime so she and Cole decided to eat first and they chose the Western Restaurant. Cole also called Soliel to invite her to join them for lunch.

"So, what's between you and that billionaire Zero Federova, Riv?" maya-maya'y utas ni Soliel habang sumisimsim sa champagne nito. Napakunot noo siya, nagtataka.

"What?! Zero Federova?  Iyong kaibigan ni Rouge?" gulantang na pagkaklaro ni Cole.

"Tss! Mabanggit lang talaga ang pangalan ng lalakeng gusto mo eh, no? Bakit may kilala ka pa bang Zero Federova na kaibigan ni Rouge Altavilla? pagdiin ni Soliel sa pangalan ng lalake.

"Whatever, Soliel. Is that true, Riv? How did you two meet? Pero ang alam ko pumupunta siya sa TIMEOUT kasama ng mga kaibigan niya--"

"Sige banggitin mo ang pangalan ng lalakeng 'yun," kontra pa rin ni Soliel.

Ang TIMEOUT na tinutukoy nito ay ang high-end bar na pinupuntahan nila magkakaibigan sa BGC. Sa kawalan niya ng pake sa mga tao sa kanyang paligid sa tuwing pumupunta sila doon, wala siyang alam na nagpupunta pala ang lalakeng iyon. Maliban na lang noong isang beses na nagtagpo ang landas nila sa likod ng exit area dahil sa paninigarilyo niya.

"Shut up, Soliel!" Napapailing na lamang si Rivi sa dalawamg kaibigan.

"She already has Blood, Sol, so don't worry because she doesn't like that Altavilla anymore," she teased too.

"Dapat lang dahil kahit maghubad pa siguro 'to sa harapan ng lalakeng iyon, hindi pa rin papansinin."

"Isang dyosa ba naman ang karibal niya, talagang waley ang beauty ng kaibigan nating 'to," patuloy nila sa pangaalaska.

Fated To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon