Kabanata 4

182 17 3
                                    

"Good morning, nay! Did you see my phone?" Pagbungad ni Rivi sa Yaya niya pagkapasok ng dining room.

"Good morning, Riv. Hindi. Wala ba doon sa kwarto mo?" anito, habang inilalapag ang agahan niya sa mesa.

"No." Masyadong tanghali na siya nagising dahil walang phone niya ang nag-alarm. If she hadn't felt the warmth of the sunlight entering her room, she wouldn't have woken up.

When she woke up earlier, she immediately looked for it, but she couldn't find it. Matapos niyang maligo't magbihis ay hinanap niya uli ang cellphone, kulang na lang baliktarin niya ang buong silid, pero wala pa rin.

"Ayan kasi inom ng inom. Pang-ilang phone mo na iyong nawala dahil sa kaba-bar mong 'yan. Kapag nalaman ng ama mo iyan, Riv, iwan ko lang sayo bata ka." Napakamot na lamang si Rivi sa kanyang ulo at naupo habang pilit inaalala kung saan niya naiwan ang cellphone. She immediately stood up again when she remembered her car. Right, maybe it was just there and she dropped it last night without her noticing. "Saan ka na naman pupunta, Paulina?" habol na sigaw sa kanya ni Nanay Inday nang patakbo siyang lumabas ng bahay.

"Dito lang sa labas, nay!" balik niya sagot, pasigaw.

After she got out, she immediately approached her car and was about to open it when their guard called her.

"Good morning, Ma'am Rivi! May naghahanap po sa inyo sa labas, ma'am," he said as he got a little closer to her.

She furrowed at what the guard said, wondering. Sinabihan na niya ang mga kaibigan niya na hindi siya aalis sa araw na ito ng Linggo dahil inaasahan siya ng kanyang ama sa pag-uwi nito mamaya. At kung ito man ang mga bisita niya, agad na pinagbubuksan ang mga ito dahil kilala na ang plate number ng sasakyan ng mga 'to. Wala na siyang ibang kakilala na nakakaalam ng bahay niya, maliban sa sekretarya niya na siyang malabong bisita niya ngayon.

"Who is she?"

"Ay lalake po iyong bisita mo, ma'am. Napakagwapong binata pero mukhang maangas po ang pormahan." Sa tinutukoy nito, wala siyang ganung kakilala.

"Baka namali ng bahay lang siya, Manong. Wala akong kakilalang maangas na lalake." If he was one of the men she flirted with before, what was he doing here in her house? How did he know her address?

Connection, Rivi. Connection, duh!

"Eh, ma'am, pangalan niyo po ang hinahanap niya. Magnus raw po siya, ma'am--"

"Who is he?!" She cut off what the guard said because she was shocked to hear the name he said. Did she just misheard the name?

"Magnus po, ma'am. Magnus po ang pangalan ng lalake na nasa labas na naghahanap sa'yo." Mas lalo lang gumuhit ang pagtataka sa kanyang mukha. Bakit 'to nandito? Ano ang kailangan nito?

Instead of looking for her cellphone in her car, she headed down the driveway to their tall gate. "No need, Manong. Salamat," tanggi niya nang akmang papayungan siya nito. Alas-dyes na ng umaga kaya tirik na ang araw, pero kaya naman niya. She even sunbathes when going to the beach or even just in their swimming pool to achieve the desired tan skin. 

Rivi was immediately opened the gate by the guard who followed her then she went out. Hinanap ng paningin niya ang nasabing lalaki at nakita naman agad 'to na nakaupo sa big bike nito na nasa kabilang gilid ng kalsada.

"Ma'am, hindi niyo po ba kailangan ng payong? Masyadong mainit po, ma'am!" paghabol sa kanya ng guwardiya nang maglakad siya palapit sa lalake, na agad naman nito ikinatayo ng maayos nang makita siya.

"What are you doing here? How did you--"

"Mukha kang pokpok." Biglang pagputol nito sa kanyang pagsasalita habang hinagod ng tingin ang kanyang kabuuan.

Fated To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon