Kabanata 9

150 12 1
                                    

NAPAHINTO si Rivi nang may biglang humaklit sa kanyang braso. Nanghihina man, pilit niya inaalis ang matigas na kamay na humawak roon habang hindi nakatingin rito.

"Let go of me," aniya. Ang daddy niya. Gusto niya makita ang daddy niya.

"Sa tingin mo kaya mong magmaneho sa ganyang kalagayan? Lasing ka na at wala ka pa sa sarili," he answered and she immediately looked at him.

"Zero..." sambit niya nang makilala 'to. Hindi niya alam, ngunit bigla na lamang nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha.

Agad siya hinila nito't niyakap. "Hush..." pagpapatahan nito kasabay ng paghimas sa kanyang likod.

Sa sandaling iyon, inalis niya ang hiya at wala pakialam kung nakikita man siya sa ganoong kalagayan at umiiyak sa harapan nito.

"My father, Zero." Sa presensiya nito, pakiramdam niya nagkaroon siya ng karamay. "Oh, God! I have to go see my father." Natatarantang humiwalay siya sa pagkakayakap nito't pinahid ang mukha na basa ng mga luha.

Aalis na sana siya nang hindi pa rin siya binitawan nito. May iilang mga customer ng bar na nakatingin sa gawi nila habang nagpapahangin ang mga ito't ang iba'y naninigarilyo.

"I will take you there," saka siya hinila papunta sa black Koenigsegg Jesko Absolut supercar nito.

Tahimik at hindi mapakali si Rivi habang nagbibiyahe sila papuntang ospital. Puno ng takot at pangamba ang puso niya sa nangyayari ngayon sa kanyang ama.

"Can you please speed it up?" mangiyak-ngiyak niyang sabi.

"Masyado na tayong mabilis, Ms. Montreal. Lagpas na tayo sa speed limit--"

"I don't fucking care! Just drive faster!" 'di napigilan niyang pagbulyaw.

"Damn, woman. I don't want anything bad to happen to you." May ibinulong 'to na hindi na pinansin pa ni Rivi dahil sa samo't saring emosyon.

Ilang minuto pa'y nakarating din sila sa ospital. Hindi alam ni Rivi kung paano nalaman ni Zero ang ospital na pinagdalhan ng kanyang ama. Hindi 'to nagtanong sa kanya kaya hinayaan na lamang niya nang makitang tamang daan ang binabaybay nito.

Rivi ignored the high heels she was wearing and ran to the elevator after asking the receptionist where her father was. Napapatingin sa kanya ang mga taong naroon sa lobby na hindi na niya binigyan pansin. Kasabay ng pagbukas ng elevator ay naramdaman niya ang init ng tela na lumapat sa kanyang balikat.

"C'mon." Zero guided her into the elevator with one hand on her shoulder and the other on her waist. "It's too cold here so you need that. Also, your body is too exposed for this place," he explained as she looked at the blazer resting on her shoulder. 

Hindi lamang ang blazer nito ang nagbibigay init sa kanyang katawan, kundi maging ang katawan nito na nakadikit sa kanya. Kita niya ang repleksyon nila sa salaming pinto ng elevator. Nanatili ang isang kamay nito sa kanyang bewang. 

"Did I make you uncomfortable?" tanong nito, nakatingin mula sa salaming pinto.

As far as she knew, he was mad at her the last time they talked. So it was surprising that he was helping her now and she could feel the concern in his voice. Is he planning something with her?

Rivi was about to answer when the elevator dinged, signaling that they were on the floor. Agad siya lumabas nang bumukas iyon at hinanap ang Operating Room habang nakasunod sa kanya si Zero. Napahinto siya pagkaliko sa isang hallway at nakita roon si Nanay Inday. Nabaling ang tingin ng matanda sa gawi niya't naluluhang tumayo.

"Nay..." sambit niya at tinakbo ang pagitan nila. Niyakap niya 'to ng mahigpit, tila doon kumukuha ng lakas.

"Riv, ang ama mo," umiiyak nito sabi.

Fated To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon