Kabanata 8

146 16 3
                                    

"Ma'am, si Mr. Federova po ang ka-meeting niyo ng alas-nuebe," agap na sabi sa kanya ni Marie na siyang nakasunod sa lalake.

She looked at Zero who was now looking at her sharply. Tingin pa lang nito, nakamamatay na.

"It's okay, Marie. You can leave us now," aniya, 'di inalis ang paningin sa lalakeng kaharap.

"What are you doing here, Federova?" Kung kanina'y malokong Magnus ang kaharap niya, ngayo'y pagkairita at galit ang nababasa niya sa mukha nito nang itanong iyon.

Magnus stood up with his hands in the pockets of his leather jacket. Napalingon si Zero rito. Kita niya kung paano nagsukatan ng tingin ang dalawa at tumiim ang mga bagang. Tila ba pinapahatid ng mga nagbabagang tingin ng mga 'to ang galit sa bawat isa. Walang siyang ideya kung ano ang meron sa dalawang binata at ganun na lamang ang galit ng mga 'to.

Matangkad ng ilang pulgada si Zero kumapara kay Magnus, ngunit magkasing tikas ng pangangatawan ang mga 'to. Sa hitsura, parehong may dugong banyaga, ngunit may kanya-kanyang angking kagwapuhan. Kung sa estado naman ng buhay, higit na mas nakalalamang si Zero kesa kay Magnus. Iyon ang nakikita niya.

Bago pa man mauwi sa pisikalan ang tensyon ng dalawa'y siya na mismo ang bumasag niyon. "Kung nais ninyong magsuntukan, huwag dito sa loob ng opisina ko. Lumabas kayo at doon magpatayan para hindi kayo makaabala ng iba. Alis!" mungkahi niya dahil baka nahihiya lamang ang mga 'to.

"Tss!" sabay na palatak ng mga 'to. Kakaiba din talaga ang dalawang 'to.

"Mind your own fucking business, Vitale," sagot ni Zero saka siya nito hinarap ulit. "Can I talk to you alone, Ms. Montreal?" pagdidiin nito.

"You can talk to her in front--" She looked at Magnus and he seemed to get what she wanted to say because he stopped talking. Mabuti naman at nakuha sa isang tingin 'to.

Tumiim lalo ang bagang ni Magnus. Galit na tinapunan ng tingin nito si Zero bago naglakad palabas ng kanyang opisina.

"You may sit down, Mr. Federova," pag-alok niya sa upuan na nasa harapan ng kanyang office table matapos sumara ng pinto't mawala sa paningin nila si Magnus. Umupo siya sa kanyang swivel chair. "So, what can I do for you?" she asked formally.

As far as she knew, they had no business matters except his mother's rest house, so she wondered why he was here in her office.

"You, what can I do for you, Ms. Montreal?" returning the question to her, she wondered. "I know you are the architect of my mother's rest house that she plans to build. And I also know that behind that she is planning something else, so what are you two up to, Ms. Montreal?" he asked calmly, but she knew that behind it was the anger he was suppressing. Na sa maling sagot niya lang, may kalalagyan siya. His aura screams danger.

"I don't know what you are talking about, Mr. Federova," nakangising pagtanggi niya. Alam na ba nito ang balak ipagawa ng ina nito sa kanya?

Humalukipkip ito't nanatili ang matalim at malamig nitong tingin. Nu'ng huli niyang kita rito, wala siyang nabasang emosyon sa gwapong mukha nito, kabaliktaran sa ipinapakita nito ngayon.

"You don't seem to know me, Ms. Montreal." Wala nga maliban sa anak ito ng kliyente niya at nobyo nu'ng Alba. Na nagmamay-ari ito ng multi-billion finance company na siyang pinagkautangan ng kanyang ama. Maliban sa mga iyon, wala na siyang ibang alam rito.

"I may be a quiet type of person, but I can kill and hurt a woman if necessary for the person I am protecting." Sa sinabi nito, hindi niya maipaliwanag ang pagguhit ng kirot sa kanyang dibdib. It was only for a moment, but it was enough for her to feel it.

Why did she feel that way?

A part of her was surprised by what he said, but she didn't show it to him. Can he really kill for the woman he loves? Minsan na lamang siya nakakarinig ng lalakeng handang gawin ang lahat para sa babaeng minamahal. Kung ito man ay ganun, napakasuwerte nga ng kasintahan nito. Sana lahat ng lalake ay katulad nito, nang sa gayon walang nasasaktan. At maging sa mga babae din sana, nang sa ganun 'di sila nasaktan ng kanyang ama at iniwan.

Fated To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon