CHAPTER 1

1.6K 36 0
                                    

CHAPTER 1

ZENAIDA'S POINT OF VIEW

"Krystal sabay na tayong maglunch"

"Argg huh,at anong akala mo sasabay ako sayo? Can you please get out of my sight, my poor annoying sister nakakasira ka ng beauty ko"

Kasabay nang pagkakasabi niya nun ay siya ring pagtawa ng dalawa pa niyang kasama, tinalikuran niya lang ako tsaka umalis.

Naikuyom ko na lamang ang kamao ko sa magkahalong pagkapahiya at galit na nararamdaman ko.

Ano pa bang inaasahan ko sa kanya?

She never treated me like her own sibling,even mom and dad doesn't treat me as their own child.

Alam ko namang wala akong karapatang kwustiyunin sila, dahil ang totoo ampon lang ako at matagal ko ng alam yun. Sa loob ng maraming taon, puro pagpapahirap at pananakit ang dinaranas ko sa mga kamay nila. Pakiramdam ko hindi ako parte ng pamilya at ang turing lang nila sa akin ay alila, oo nakakapag-aaral ako pero ang kapalit namang kabayaran nun ay ang napakaraming pasa at peklat ko sa katawan.

Nakakainis,bat wala akong magawa!

"Hoy Zenzen! Hay naku best kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala,kung saan saan na ako napunta. Nalibot ko na nga ata buong campus jusko ka" Bungad naman ni Lea na naghahabol pa ng hininga sa sobrang hingal

Si Lea ang naging kaibigan ko, or should I say my best of friend. Halos kapatid na nga ang turingan naming dalawa,sa kanya ko lang naramdaman na may halaga ako, na importante ako. She has been the person I wish for to meet, kahit papaano mayroon pa rin akong mapagsasabihan ng problema at malalabasan ko ng mga drama ko sa buhay.

"Oh bat tulala ka ata?"

Nabalik naman ako sa wisyo ng magsalita ito, napakunot na lang ang noo ko at saka bumuntong hininga.

"Ahh wala, tara na nga punta na tayo sa canteen nagugutom na ako" Pag aya ko sa kanya

As usual napakaraming estudyante pagdating pa lang namin. Agaran kaming pumila, pagdating ko sa counter tanging spaghetti at tubig lang ang in-order ko.

"Ako na ang magbabayad niyan" Nabigla pa ako ng may sumulpot na lalaki sa tabi ko

"Oh my god si Chase!"

"Ang gwapo niya talaga!"

Rinig kong bulungan nang mga babaeng nakasunod sa likuran namin, he's Chase Alcantara ang captain ng Fire Eagle ang basketball team ng Lightsum University, ang school namin. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya, aaminin ko gwapo siya, matangkad, maputi, matalino, at mabait. Kumbaga siya ang matatawag na ideal boyfriend, pero ni-minsan hindi ako naattract sa kanya lalo na at mailap ako sa mga lalaki.

"Wag na,may pambayad naman ako" Seryosong sambit ko sabay abot ko ng card sa cashier

Mabilis akong umalis sa kinalalagyan ko at saka naghanap ng puwesto,inantay ko si Lea na makabili ng pagkain niya.

"Best,ganda mo talaga ahh---akalain mo nilapitan ka ng isang Chase Alcantara at di lang yun ililibre ka pa kaso tinanggihan mo chance na sana yun oh para magkalapit kayo, choosy ka ba?"

"Hindi noh, at saka di ko naman gusto na maging close kami. Wala din akong interes sa kanya" Wala sa mood kong sabi

Daldal lang ng daldal si Lea habang ako tahimik lang, sanay naman na ako sa paguugali niya. Pagkatapos kumain ay di na rin kami nagtagal at napagpasyahang magpalipas muna ng oras sa garden ng LU (Lightsum University).

"T-teka nga Zenzen bakit namumula yang binti mo? Parang pasa ata yan ahh"

Tinignan ko naman ang parteng sinabi ni Lea at agad kong inayos ang suot kong skirt para takpan ito.

Force To Marry A Mafia BossWhere stories live. Discover now