CHAPTER 5
ZENAIDA'S POINT OF VIEW
Gabi na nang ma-discharge ako sa pinagdalhang hospital sa akin. Until now di ako makaalis-alis dito sa room kung nasan ako naconfine dahil wala akong isusuot na damit, takaw atensyon naman kasi kong yung gown ko kanina sa masquarade ball ang isusuot ko. Yung lalaki namang tumulong sa akin bigla na lang umalis, at parang di na ata s'ya babalik.
Nasa mesa ang sling bag na dala ko, nang kunin ko ang cellphone ko roon ay dali-dali ko itong in-open para sana icheck kung may missed calls ba or messages.
Lowbat na?! Nanadya ba talaga 'to seryoso?! Malas talaga!
Napaupo na lang ako sa may bed side ng kama, alam ko na hindi ako hahanapin nina mom at dad kahit pa mawala ako, ni-hindi sila mag-aalala sa sitwasyon ko.
Alam mo yung feeling na gusto kong maranasan yung pagmamahal at pag-aaruga ng isang ina at ama kaso di ko na ata mararamdaman iyon, wala na ang tunay kong mga magulang na dapat magpupuno ng puwang sa puso ko.
Tumulo na naman ang luha ko sa mga mata at hinayaan ko lang iyong umagos, tila ba wala ng katapusan ang paghihirap ko sa pisikal man o emosyonal na aspeto.
Hindi ko naranasang maging masaya sa mundong 'to, kung naranasan ko man panandalian lang at hindi permanente. Sobrang unfair, sa dami ng tao bakit ako pa ang kailangang magdanas nito?
For almost a year or decade I never consider and find this world a happy place to live with.
I want to be strong and face every challenge that comes in my way, but considering the lonelines I felt? It's drowning me and keep on pulling me down.
Kailan ba ako makakatakas sa mala-impyerno kong buhay!
"Tsk, why are you crying?"
Nabalik ako sa realidad ng marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Siya na naman? Buong akala ko tuluyan na siyang umalis, wala naman siyang responsibility saken soo bakit pa niya ako binalikan dito?
"W-wala po i-ito, siya nga pala Sir-----"
"Call me Dior" Seryoso niyang sabi
"D-Dior ano pang ginagawa mo dito? B-bakit ka pa bumalik?"
"Stop asking questions that I won't answer-----here take this and change your clothes, ihahatid na kita pabalik"
Nabigla naman ako sa mga sinabi niya. I don't know if concerned ba siya or he has different motives 'di kasi mawala sa isip ko yung mga binitawan niyang salita kanina.
Oh darling you will know me more deeply
Oh darling you will know me more deeply
Oh darling you will know me more deeply
Parang may nais siyang iparating yun nga lang di ko malaman kung ano iyon. Judging by his look, mukhang may marangya itong pamumuhay.
Hindi na ako tumanggi at kinuha ang bag na ibinigay niya, nang tignan ko ang loob noon ay nadismaya ako at inilahad ito pabalik sa kanya.
"S-salamat na lang p-pero kasi Sir-----este kuy------este D-dior, hindi ako nagsusuot ng ganyang damit" Pagpapaliwanag ko
Nakakrus ang mga braso nito habang matalim akong pinukulan ng tingin.
"You came from one of the richest family and your telling me you are not capable in wearing dresses? Huh, how come? What do you wear then?"
"Yes I came from a wealthy family, pero hindi ko naman ina-addopt ang system nang pamilya ko. P-pasensya na po talaga k-kung napagastos man kayo sa damit na yan babayaran ko na lang, k-kasi s-simple lang naman ang mga damit na sinusuot ko. H-hindi talaga ako komportable sa fashion style na tulad niyan"
YOU ARE READING
Force To Marry A Mafia Boss
RomanceFor the reputation of her so-called family, Zenaida is forced to marry a dangerous man who leads a secret organization. _____ Zenaida thought that she finally escaped in the hands of his oppressive family, but little did she know that the path she t...