CHAPTER 3

515 22 0
                                    

CHAPTER 3

ZENAIDA'S POINT OF VIEW

"Napakaganda mo talaga" Bati sa akin ni Manang Belen na kasalukuyang inaayos ang laylayan nang suot kong gown na pinasadyang ginawa para matakpan ang bahagi ng katawan kong may mga pasa at sugat

Ni-hindi ako komportable sa itsura ko ngayon, naiirita din ako sa make up na nasa mukha ko dahil di ako sanay na naglalagay nun. Wala naman akong pakiaalam kung anong itsura ko dahil sa totoo lang di ko naman kagustuhan ang sumama sa mga ganitong event ng pamilya.

Panigurado magpapakitang tao na naman sila mom at dad sa harap ng medias para lang masabi na isa kaming masayang pamilya kahit pa taliwas ito sa katotohanan.

Pagbaba ko ng hagdan ay naroon na silang lahat, masama akong tinitigan ni Krystal at saka umirap. Hindi ko na lamang siya pinansin at pilit na ngumiti sa kanila.

"Absolutely georgous my dear" Pasinaya pa ni dad ngunit seryoso pa rin ang ekspresyon ng kanyang mukha

"S-salamat po" Mahinang ani ko

"Pero mas maganda naman ako sa kanya right mom?"

"Ofcourse Krystal"

Napatungo na lang ako at di umimik.

"Remove that ugly necklace on your neck Zenaida, replace it with an expensive one instead" Iglap lang ay nasa kamay na ni mom ang kwintas na pinakaiingatan ko

"T-teka lang po saan niyo po dadalhin yan"

"Ede saan pa? Sa basurahan malamang, Manang Belen put this in the trash please"

Lumapit sa gawi namin si Manang, palihim itong kumindat sa akin at nakuha ko naman ang gusto niyang iparating. Alam kong itatago niya iyon para sa akin, kaya kahit papaano nakahinga na ako ng maluwag.

"What are we waiting for---let's go baka malate pa tayo sa venue-----and before I forgot wear this mask" Paliwanag ni dad na sumenyas sa isa mga tauhan niya at iyon ang nagabot sa amin ng bagay na tinutukoy n'ya

"Dad, para saan naman toh? Bakit kailangan pang magsuot nito?" Sunod sunod na tanong ni Krystal, maski ako nagtataka

"Nakalimutan kong sabihin sa inyo---to be specific we are attending a masquarade ball, definitely kailangan nating magsuot ng maskara. This mask's is the most expensive one, pare-pareho tayo ng design na isusuot para mabilis tayong makilala. No more questions we need to hurry"

Agad naman kaming lumabas at sumakay sa nakaabang na van sa labas ng mansyon, may dalawa ding itim na kotse na nakasunod sa amin kung saan nakasakay ang ilang tauhan ni dad na siyang magbabantay sa amin. Due to some circumstances and growth, succesful businesses, maraming naiinggit at marami siyang naging kalaban o kakompetensya na nagbibigay ng motive na pagtangkaan ang buhay ng bawat miyembro ng pamilya namin.

Not to mention I also knew that he has this underground business, to be specific he's one of those soo called 'MAFIA BOSS' or mobster with high notoriety, napakarami niyang koneksyon kaya takot ang marami sa kanya.

Kahit ako napapaisip kung bakit nila ako inampon gayong may sarili naman silang anak? May sarili silang tagapagmana at delikado kung may makaalam ng sikretong tinatago nila. Inampon lang ba nila ako para idagdag sa napakarami nilang alila sa bahay? Para gawing laruan?

I'm confused

A long minute has passed by ay nakarating na din kami sa venue ng masquarade ball, pagbaba ng sasakyan ay siya namang sunod ng ilang mga escorts sa amin. Sa labas pa lang talagang napakaganda na, halatang halata na puro nanggaling lang sa mayamang angkan ang maaring pumasok sa loob.

Force To Marry A Mafia BossWhere stories live. Discover now