CHAPTER 10
ZENAIDA'S POINT OF VIEW
Nang magising ay agad akong tumayo, pagsulyap ko sa aking mukha mula sa salamin na nasa aking harapan ay namumugto ang mga mata ko dahil na rin marahil sa walang tigil kong pag-iyak mula pa kagabi. Iyon na rin siguro ang naging dahilan kaya 'di ko namalayan na nakaidlip na pala ako.
Wala akong kagana-ganang tumayo, gusto ko na lang manatili dito at magkulong tutal naman para na rin akong bilanggo nang matagal ng panahon sa bahay na 'to.
"Ma'am Zenaida-----si Manang Belen ito, pwede bang pumasok?"
"Sige lang ho" Wala sa wisyong tugon ko
"May pasok ka ngayong araw, ba't di ka pa naghahanda?"
Kagabi, pinagtabuyan ko si manang kahit na gusto niya lang naman akong tulungan. Nahihiya akong tumingin sa kanya ng diretso dahil doon, 'di ko sinasadyang masigawan siya. Dala na rin siguro ng galit ko at nilamon na ako ng sama ng loob kaya ko 'yon nagawa.
"M-manang Belen, p-pasensya na ho kayo kung n-nadamay pa kayo sa d-drama ko kagabi-----k-kung nasaktan ko man po kayo sorry po talaga. P-pakiramdam ko sobrang sama ko sa inyo, gayong kayo na lang 'yong taong gustong pagaanin ang loob ko" Nakayuko kong ani
Hinagod niya ang buhok ko at nagpakawala nang mahabang buntong hininga.
"Ayos lang iyon ma'am Zenaida, naiintindihan ko ang kalagayan mo. Sa totoo lang naawa na ako sa inyo, hindi mo dapat nararanasan ang ganitong klase ng pamumuhay-----ka'y bata bata mo pa pero napakabigat na ng dinadala mo. Wag kang mag-alala nandito lang ako para sa pinakapaborito kong alaga, kahit anong mangyari hindi kita iiwan" Niyakap niya ako ng mahigpit matapos sabihin ang mga salitang yun, ngumiti ako ng bahagya dahil kahit papaano nabawasan ang lungkot na nangingibabaw sa loob ko
"Thank you po manang" Tanging nasabi ko
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at pansin ko na tumutulo ang luha nito, ganun din ako kaya agaran kong pinahiran iyon.
"Hayss---ikaw talagang bata ka ohhh, napaiyak mo pa tuloy ako. Oh siya-s'ya bumangon ka na riyan, maligo at magsuot na ng uniform, ihahanda ko na ang almusal mo sa baba. Huwag mo munang alalahanin ang mga bagay na magpapa-stress lang sa iyo, hindi ba sabi mo ay magtatapos ka ng pag-aaral? Tanda mo ba---pinangako mo iyan sa akin"
"Opo natatandaan ko po 'yon"
"Kaya nga magfocus kang mabuti sa school, ilang taon na lang ang aantayin mo at makakatapos ka na rin kaunting tiis na lang. Sige na mag-ayos kana nang sarili mo"
Tumango lang ako kay manang bago ito lumabas, hinawakan ko ang kwintas na suot suot ko at pinikit ang aking mata. Nang medyo okay na ako ay napagpasyahan ko ng pumunta sa banyo para maligo at agarang nag-ayos.
Dumiretso ako sa dining area at naabutan si Krystal na kumakain ng breakfast, saglit ako nitong tinignan bago ibinalik ang atensyon sa kanyang kinakain. Pumwesto ako sa upuan na nasa harap niya, lumapit sa akin si Manang Belen at inilapag sa tabi ko ang baso ng gatas.
Kukuha na sana ako ng bacon kaso biglang inilayo ni Krystal ang plato sa akin at pinagtaasan ako ng kilay.
"Manang tessy" Maarte niyang tawag sa isa sa mga katulong na sunud sunuran at sipsip sa kapatid ko
"Yes ma'am Krystal you need anything, sabihin mo lang" Sagot nito sa kanya
"Busog na kasi ako, pwede bang iligpit mo na lahat ng pagkaing nakahain dito sa mesa. I think no one is eating naman" Ngumisi pa sa akin si Krystal sabay inom ng tubig
Matapos malinis ang mesa ay umalis na siya habang nasa likuran niya ang alipores na si Manang Tessy at pakrus krus pa ang lakad nilang dalawa.
"Haysss, wag mo na lang silang pansinin ma'am Zenaida---parehas naman silang mukhang clown sa mga itsura nila, kung makalagay ng kolorete sa mukha akala mo magpe-perform sa perya ehh" Bulong ni Manang Belen kaya pasikreto akong natawa
YOU ARE READING
Force To Marry A Mafia Boss
RomanceFor the reputation of her so-called family, Zenaida is forced to marry a dangerous man who leads a secret organization. _____ Zenaida thought that she finally escaped in the hands of his oppressive family, but little did she know that the path she t...