CHAPTER 2

638 26 0
                                    

CHAPTER 2

ZENAIDA'S POINT OF VIEW

Gabi na at kasalukuyan akong naghahanda ng pagkain sa dining area katulong ang mga maid dito sa bahay. Pagdating na pagdating nina mom at dad ay agad akong bumati sa kanila pero ipinagsawalang bahala lang nila ito at umupo, saktong kakababa lang din ni Krystal mula sa kanyang kwarto.

"Zenaida, sit down" Pag alok saken ni mom

"What the hell mom, don't tell me sasabay sa pagkain natin ang babaeng yan. Gosh, disgusting" Mataray na sambit ni Krystal kaya lihim akong napangiwi sa kaartehang inaasta niya

"Shut up Krystal I'm not talking to you, come'on Zenaida---dear sabayan mo kaming mag-dinner"

Zenaida dear?

Parang nagbago ata ang ihip ng hangin at maayos ang pakikitungo nila sa akin, alam ko na mayroon silang kailangan o merong kapalit ito kaya nakisakay na lang ako sa gusto nila.

Nakayuko lamang ako at walang imik, namayani ang katahimikan sa pagitan naming lahat.

"Sabado bukas at wala kayong pasok hindi ba? Tommorow afternoon kailangan niyong maghanda, especially you Zenaida" Baling sa akin ni dad kaya napasulyap ako rito

"B-bakit po" Utal kong tanong

"We will go on a grand ball, by the way ipapahanda ko ang isusuot niyong dalawa bukas. Kailangan maging presentable tayo, as Monteverde we need to be treated special and with respect. Act formal, I don't want to ruin our family image"

"But dad another ball? Hindi ba kaka-attend lang natin nung nakaraang sunday? Mag-mamall kami ng friends ko bukas, ayokong sumama pwede bang si Zenaida na lang"

"No Krystal, you will come with us whether you like it or not" Mariing pagtanggi ni dad kaya natahimik ang kapatid ko

Ako naman ay pirming nakaupo at walang anumang salitang lumabas sa bibig ko. I don't have the right to say or even ask anything, kung anong gusto nila yun ang masusunod dahil kapag hindi ako sumang-ayon sa nais nila for sure sasaktan na naman nila ako.

I admit sobra na akong nahihirapan, pilit man akong magpakatatag parang unti unti nang sumusuko ang katawan at isip ko. But still I'm doing my best to stay strong, gusto kong ipakita sa kanila na kahit ano pang uri ng dahas ang gamitin nila sa akin wala iyong epekto.

I don't want them to think that I'm weak, hahayaan ko lang sila, susunod sa mga gusto nila hanggang sa makahanap ako ng paraan kung paano makakaalis sa impyernong lugar at impyernong buhay na ito.

Matapos kumain ay kanya kanya din silang punta sa kani-kanilang kwarto habang naiwan akong tuliro, ni-hindi ko naubos ang pagkain sa plato ko sa sobrang daming bagay na tumatakbo sa isip ko ngayon.

Magisa kong nilinis ang hapag at inilagay ang mga hugasin sa sink ng kitchen, tinulungan ako ng ilan sa mga katulong.

"Ma'am Zenaida ako na pong bahalang maghugas riyan, umakyat na po kayo sa kwarto niyo at magpahinga"

Napalingon naman ako ng marinig na may nagsalita, at napagtantong si Manang Belen iyon. Siya ang nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal ng isang ina simula noong bata pa lamang ako, dahil sa tumanda siyang dalaga ay ibinubuhos niya sa akin ang kan'yang atensyon at tinuturing na din akong parang sa kanya. Ganun pa man ginagalang niya pa rin ako bilang isa sa mga amo niya kahit pa naiilang ako kapag ganoon ang tingin ng iba pang kasambahay sa akin.

"Ahh kayo po pala Manang Belen, naku ayos lang po kayo nga po ang dapat magpahinga lalo na sa edad niyo. Alam ko naman pong simula umaga tuloy tuloy ang trabaho niyo dito sa bahay, ako na pong bahala dito" Pilit ngiti kong saad

"Kahit na matanda na ako ehh malakas pa naman po ako ma'am, pero mabuti pa po kayo at may konsiderasyon at mabait sa akin samantalang iyong magulang niyo at kapatid ay ganun na lang kami kung pahirapan sa baba ng tingin nila samen"

Nakaramdam ako ng lungkot at galit ng marinig ang inusal ni Manang, lungkot dahil sa hindi kami nagkakalayo ng sitwasyon, galit sa labis na pagmamalupit ng pamilyang umampon saken pero ni-minsan hindi ako tinuring na kabilang sa kanila at pakitang tao lang.

Mga walang puso talaga!

"Huwag po kayong mag-aalala Manang oras na makapagtapos ho ako ng pag-aaral, magkatrabaho at umangat ang estado sa buhay promise ko po isasama ko kayo sa pag-angat ko at magkasama tayong aalis dito" Napangiti naman ito sa sinabi ko at agaran akong niyakap ng mahigpit

"At naniniwala akong magagawa mo iyon, naniniwala ako sa'yo. O siya'sya umalis ka na riyan ako na ang maghuhugas sa mga pinagkainan, at ikaw doon ka na sa kwarto mo at magpahinga dahil narinig ko may pupuntahan na naman kayong event bukas kaya sige na matulog ka na ng maaga"

"Kung di ko po kayo mapipigilan, s-sige po mauna na ako sa inyo" Pagpapaalam ko

Pagakyat ko ng kwarto ay ni-lock ko ang pinto at pumunta sa biranda, tumingala ako sa langit at di ko namalayang marahan na palang pumapatak ang luha ko sa mata. Hinawakan ko ang pendant ng suot kong kwintas, iyon ang nagiisang alaala nang tunay kong ina at ama hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila ang tanging batid ko lang ay pareho silang namatay sa isang car accident.

"Sana nandito pa kayo, p-para di ko nararanasan lahat ng 'to p-para di ako nagtitiis"

Nakakita ako ng bulalakaw kaya mabilis kong pinikit ang mga mata ko at bumulong ng hiling ko.

"Sana makahanap ako ng taong tutulong sa akin" Mahinang ani ko bago pinunasan ang mga luhang pumatak mula sa aking mga mata

Humiga ako sa aking kama at nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga.

Kaya mo toh Zenaida! Kaya mo toh, kailangan mong kayanin!







DIOR'S POINT OF VIEW

"Boss,mukhang napurnada ang shipment natin"

"What do you mean? Kakabalik ko lang then ito agad ang sasalubong sa akin---problema hindi ba sayo ko ibinilin yun, why does our shipment failed? Tell me before I put bullets in your head" Galit kong lintahe

"B-boss may nag-traydor po sa grupo, nasa base na ho siya hanggang ngayon di pa rin po kumakanta kung sinong nagutos sa kanya-----g-ginawa na po namin ang lahat pero matigas po talaga"

"Damn it!" Sigaw ko

Senenyasan ko ang ilan sa mga tauhan ko na sumunod sa akin papunta sa base, pagdating doon ay pumasok ako sa kwarto kung nasan ang tinutukoy ng isa sa kanila na tumiwalag sa grupo.

"Who told you to turn back on me?" I Calmly asked

"H-hindi ko s-sasabihin sa inyo" Hirap nitong sagot dahil sa bugbog na tinamo

"Kilala mo naman ako diba? Oh I knew that you have two daugthers right? And I've heard you have such a beautiful wife, huh sa tingin mo bagay kaya silang maging bayarang babae sa bar ko? 'Cause for sure maraming magkakagusto na matikman sila" I smirked at him bilang simbolo ng pangaasar rito, kita ko ang galit sa mukha niya pero wala akong pakialam

Asshole

"Wag n-niyong i-idadamay ang p-pamilya ko dito Boss Dior-----Mr. Fuentes nagmamakaawa ako sa inyo wag ang asawa't mga anak ko"

"Awa? You think I have that? Wala sa sistema ko ang salitang yan, kaya kung ayaw mong gawin ko ang banta ko sayo tell me---sinong nagutos sayo para traydorin ako!"

"S-si Mr. V-vergara s-siya ang may pakana nang lahat k-kung bakit n-naharang ang shipment a-at pinagpapatay ang i-ilan sa mga tauhan niyo"

Natigilan ako ng marinig ang apelyidong binanggit niya, it's really in their blood. Ang angkan nila, iyon ang gawain, playing dirty shits without even knowing who they're fighting with.

"Are you telling the truth?"

"O-opo M-Mr. Fuentes,k-kaya wag mong i-idamay ang pamilya ko rito p-parang awa mo na po---p-pakawalan niyo na ako B-bos-----------"

*BANG*

So noisy!

"Clean this mess"

I fix my polo and give the gun I was holding to one of my men.

Force To Marry A Mafia BossWhere stories live. Discover now