CHAPTER 8

463 21 0
                                    

CHAPTER 8

ZENAIDA'S POINT OF VIEW

"Mr. Fuentes bakit narito sa pamamahay mo ang anak naming si Zenaida? Kahapon pa namin kasi siya hinahanap, bigla na lang siyang nawala na parang bula habang on-going ang event. P-paanong napunta siya sa puder mo?" Tanong ni dad kay Dior

Ibig sabihin pala magkakilala sila? Ngayon ay malinaw na sa akin kung bakit alam nang lalaking ito ang tungkol sa pamilyang pinanggalingan ko.

Paniguradong isa din s'ya sa mga business associates ni dad, 'di na iyon kataka-taka sapagkat kahit sino mang taong kilala o may pinaka-marangyang buhay at nag-mamay-ari ng mga malalaking kompanya ay kinakaibigan ni dad para lang mas magkaroon siya nang malawak na alyansa pagdating sa usaping negosyo.

Tahimik akong nakaupo sa tabi ni Dior habang kinu-kwento niya ang mga nangyari nung araw na ginanap ang masquarade ball at kung paano niya ako nakilala at nakita, habang kinakausap niya sina mom at dad ay saglit akong napasulyap kay Krystal. Gayon na lamang ang pagtataka ko ng naka-krus ang mga braso nito habang matalim ang mga titig na pinukol sa akin.

May nagawa na naman ba akong mali? O baka naman hindi lang talaga siya masaya na makita ako, gaya nang inaasahan. Kahit ganun ang ugali niya mas pinipili kong magtimpi, sa huli siya ang nagmumukhang kaawa awa sa mga pinaggaga-gawa niya sa akin. Dahil sa pagiging desperada niya kaya siya nagkakaganyan, iyon ang dahilan kung bakit nagagawa ko pang lawakan ang pasensya at intindihin ang pag-uugali niya.

"Exhaustion? Siguro hindi lang namin napansin na ganoon na pala ang nararamdaman ni Zenaida on that particular day, but I'm very thankful to you. Kung 'di dahil sayo baka wala na ang isa sa anak namin. The reason that I'm not opening up about her while where having a conversation and introduction a while ago is that I thought your not inform that we have two daugthers. In fact talagang pinapahanap namin iyang si Zenaida till now, where very grateful at ikaw ang nakakita sa kanya" Mahabang lintahe ni dad sabay ngiting tumingin sa akin

Ako hahanapin nila? Imposible, ni-wala nga ata akong kwenta para sa kanila at walang silbi. Halata namang nagpapakitang tao lang sila sa harap nang medias at mga kaso-syo nila sa business, wala silang ibang iniisip kundi ang mapanatili ang maayos at maganda nilang reputasyon o imahe sa harap nang ibang tao.

Pero ako? Di nila makukuha sa mga ganoong pag-arte.

"Enough with this, about the contract. I already sign it. Ang kailangan na lang ay ang pirma ni Zenaida then everything is done" Natigilan naman ako sa sinabi ni Dior

"Teka ano bang kontrata? A-at saka kanina may narinig akong kasal? S-sinong ikakasal?" Lakas loob kong tanong sa kanya

"Zenaida sweetheart, this is a marriage contract" Baling ni dad sa akin sabay pakita ng ilang papeles sa akin "Kanina napagusapan namin na gusto ni Mr. Fuentes na pakasalan ang isa sa mga anak namin, we thought it was Krystal-----and now we realize he was referring to you"

"A-ako ikakasal s-sa kanya?" Gulat kong sambit habang tinuturo si Dior na ngayon ay pirmi lang na nakaupo sa tabi ko

"Huh, ayaw mo ako na lang kasi ang pakasalan mo Mr. Fuentes. Tss, 'di hamak naman na mas maganda at mas matured ako mag isip kaysa gan sa kapatid ko. I won't dissapoint you, kaya kong gawin lahat para lang mapasaya ka. Unlike my poor sissy whose not open minded about this" Inirapan pa ako ni Krystal

"Come on Zenaida sign it, as easy as that" Seryosong saad naman ni Dior at inilahad pa sa akin ang hawak na ballpen

"Ayoko ko" Walang alinlangang tugon ko rito

"Zenaida dear, what are you afraid of? All you need to do is sign this papers and it's done, para rin sa ikabubuti mo 'to" Pagsali ni mom sa usapan

Pakiramdam ko para nila akong binibenta sa mga oras na 'to, para sa ikabubuti ko? For all I know it's for their own good not mine! Hindi pa ba sapat na ginagawa nila akong laruan at alila sa pamamahay nila, ngayon naman ipipilit nila akong ipakasal sa taong 'di ko naman kilala at wala naman akong interes.

Force To Marry A Mafia BossWhere stories live. Discover now