---------------
July 31, 5xxx. Kaarawan ko ngayon.
Wala namang espesyal sa araw na ito.
I just turned 16.
Kung sa ganitong taon ka ipinanganak siguradong walang espesyal.
Sabi nila, dati kapag kaarawan mo may selebrasyon. May regalo at maraming pagkain. Maraming tao ang pupunta sa bahay mo.
Pero wala ng gumagawa noon ngayon.
Ayaw na naming maniwala na ganoon nga ang nangyayari sa nakaraan. Naiinggit kami sa nakaraan. Sa panahong puno pa ang tao ng pag-asa at kalayaan.
Mahirap ang mabuhay sa isang mundo na puno ng takot. Isang mundo kung saan may mga bagay na hindi tanggap. Ang mundong kinalakihan ko.
Magisa na lang ako sa buhay ngayon. Walang magulang, kapatid o kaanak.
Birthday ko ngayon at mukhang wala pa ata akong maihahanda.
Napatingin ako sa kabinet kung saan ko inilalagay ang mga pagkain. Pagbukas ko. Wala na. Ubos na pala.Medyo makakalimutin na ako ngayon ah.
Bakit ba ganito ang buhay ko. Kailangan ko nanamang magtrabaho. Kakapagod na.
"Alam mo Mirage, kahit titigan mo iyang kabinet walang lilitaw na pagkain dyan" Pagtingin ko nakita ko si Sid, bestfriend ko. Prenteng nakaupo sa lamesa habang nakataas ang mga paa.
"Oi Sid, nuh ginagawa mo dito? Di pa kita pinapapasok. Aga-aga nakatambay ka nanaman dito"
"psss. Alam mo maaga kang tatanda kung lagi kang nakukunsume. Birthday mo pa naman ngayon." sabay ngiti sa akin."Oo nga pala, naibenta ko na yung mga nahuli ko sa pangangaso, gusto mo mamili na tayo ng pagkain?" Kung maka tayo kala mo kasama ko sya sa bahay. Feelingero. Pero ayos na din libre nanaman ang pagkain ko.
"Sama ako!!" Biglang sumulpot si Nero sa may pinto ng kusina.
"Seriously?? Hindi ba kayo marurunong kumatok. Ano itong bahay ko? Come and go?"
Magkasama nanaman silang dalawa. Siguradong maslalo akong makukunsume kapag nagsimula na silang magaway.
"Paano ba kayo nakapasok sa loob ng pamamahay ko eh nakalock yung pinto?" muli kong tanong.
"Weh?" sagot sakin ni Nero.
"Anong weh? Maka weh ka dyan. Paano nga kayo nakapasok?"
"Well, kaya naming tumagos sa mga pader" as expected, a nice answer from Nero. Pwede din naman akong maniwala kaso imposible.
"Seryoso yung tanong, Nero" Baling ni Sid dito. Nagkibit-balikat naman si Nero.
"Bakit hindi ikaw ang sumagot. Obvious namang hindi nakalock yung pinto. Kinalimutan mo nanaman Mirage"
Bukas yung pinto? Tanda ko isinara ko iyon kagabi.
"Wag mong sabihing nakalimutan mo nanaman? Ilang araw mo ng nakakalimutan yan ah." sita ni Nero.
Isang linggo. Halos isang linggo ko ng nakakalimutang i lock ang pinto. Ilang beses na din itong napansin nung dalawa. Para sakin hindi naman big deal iyon, wala namang mananakaw sa bahay ko. Pero mas paranoid pa sa akin yung dalawa lalo na si Nero.
"Mamayang gabi ako na mismo maglalock ng pinto mo" nakiupo na rin si Nero sa tabi ni Sid.
"At paano ka naman lalabas kung ilalock mo iyang pinto. Sa loob lang yan pwede isara. Unless dito mo balak matulog" sagot dito ni Sid. Napaisip naman si Nero sa sinabi nito.
"Logic. Ang utak ginagamit din pag minsan" dagdag ni Sid.
"Yabang mo ah. Eh di ikaw na magisip ng paraan para mailock iyang pinto"
At eto na, tulad ng inaasahan nagaaway nanaman silang dalawa. Napaisip lang ako, bakit ba nila pinapakialaman ang bahay ko?
"Kung wala kayong matinong gagawin sa ibang bahay kayo manggulo. Aga-aga ang iingay nyo" singhal ko sa kanila. Kada umaga ganito ang ginagawa nila. Ang pag-awayan ang mga maliliit na bagay.
"Bakit ba badtrip ka? Babatiin lang naman kita kaya ako pumunta dito" sabi ni Nero.
"Ako, yayayain sana kita kina aling Martha may surprise kami sayo" sabi naman ni Sid.
"Teka, ba't hindi ko alam ang tungkol dyan?" tumayo si Nero at namaywang sa tapat ni Sid.
"You're always messing up things. We're just preventing that"
"Ha! always messing pala ha. Parang may gusto kang iparating. I will swear! I swear, I will give Mirage the best gift ever. Kala mo, yabang! I shall return!" then Nero storms out of the room.
Napaka-childish talaga ni Nero, pero ano kayang maiisip ng isang katulad nya na best gift.
"Tsk. Wag mo syang pansinin, sigurado akong maghihintay ka ng isang taon para sa best gift nya" nagiging mean nanaman si Sid kay Nero. Always, he's always like that.
"Bakit ba lagi mong inaaway si Nero? Kayo na nga lang friends ko nagaaway pa kayo"
"Ikaw yung kaibigan ko hindi siya" kaswal na sagot ni Sid.
"Kapag hindi mo sinabi kung bakit, hindi ako sasama sayo" I try my best to raise my eyebrows.
"I don't trust him"
Yun? Yun ang reason nya. Lagi nalang iyon. Ilang taon na naming kasama si Nero at hanggang ngayon hindi pa rin niya pinagkakatiwalaan.
"Bakit?" Bato kong tanong kay Sid. Tinitigan nya ako na parang may nasabi akong kakaiba.
"Gut feel. He just pop out of this miserable town. Nakipaglapit sayo, naging kaibigan. Don't you find it weird?"
May point sya. Nero has a blank history. A zero background. Pero magaan ang loob ko sa kanya at hindi sya mukhang masama. Mukhang wala ding patutunguhan ang pinaguusapan namin. Nero is always a complicated matter for both of us.
"Fine! Bahala ka. Wala ka bang balak umuwi. Hindi na ko nakapagbreakfast dahil sa inyo"
Sid smile. Tumayo sya at lumapit sakin.
"Nalimutan mo na bang may surprise pa kami sayo" tapos nun hinala nya ang braso ko palabas ng bahay. I hope everything turns out well. Ang birthday ko ay mas complicated pa kay Nero.
_______________
